SSC dumalo sa NUSP Nat’l Convention
Ni John Mark Forcado
Dinaluhan nina Fredirick Kin Fajiculay, Bise-Presidente ng SSC at John Mark Forcado, Sentinel, ang nasyunal na pagpupulong ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) na may temang “Forging Ahead for Genuine Change. Student Leaders Unite! We are Change!” noong Hulyo 31- Agosto 2, 2009 sa Camp Mar, San Mateo, Rizal.
Mga lider-estudyante ang dumalo sa gawaing ito na binubuo ng Pambansang Konseho ng NUSP sa pangunguna ni G. Alvin G. Peters, National President ng NUSP at mga delegado mula sa UP Diliman, UP Los Baños, Laguna, UP Baguio, PUP Sta. Mesa, RSC at mga representante mula sa NCR, Nueva Ecija at Negros.
Nilalayon ng pagpupulong na tipunin ang mga progresibong lider-estudyante upang pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas, at upang matalakay ang mga problema ng mga probinsya at eskwelahan hinggil sa mga di- makataong pagtrato sa mga kabataan at estudyante. At upang paghandaan narin ang nalalapit na Ika-38 Pambansang Kongreso at kumbensyon ng mga lider studyante sa darating na Disyembre na gaganapin sa Vigan, Ilocos Sur.
Sa pagtatapos ng gawain, nagkaroon ng Resolution Building at naitalaga ang dalawang delegado ng RSC bilang mga Provincial Coordinators ng NUSP upang tumugon sa mga isyu na may kinalaman sa kapakanan ng bawat kabataan sa probinsya ng Romblon.■
0 comments:
Post a Comment