Thursday, October 1, 2009

RSC 50% ang passing rate sa CPA board exam

Ni Aljohn Mangaya

Tatlong bagong akawntant ang nadagdag sa talaan ng mga CPAs ng Romblon State College. Ito ay batay resulta ng Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) na ginanap noong Mayo 11, 12, 18 at 19, 2009. Sila ay sina Anabhel Lilang Velasco, Jubeth Fernando Cawaling at Cristy Marie Hije.

Sina Velasco, Cawaling at Hije ay parehong nagtapos ng kursong 2008. Sa anim na kumuha at sumubok sa naturang eksaminasyon, silang tatlo ang nakapasa at kumakatawan sa 50% passing percentage ng RSC. Ang porsyentong ito ay higit na mataas kumpara sa national percentage na 28.88% (1,231/4,262).

Ang pagkakaroon ng 50% passing rate sa CPALE ay isa sa mga layuning makamit ng BS Accountancy Program. Kaugnay nito, isang testimonial lunch na dinaluhan ng mga magulang at sumusuporta sa Adopt-a-CPA Reviewee Project ng IBA ang inihanda ng sa pakikipagtulungan ng administrasyon ng RSC upang parangalan ang matagumpay na mga examinee.

Naging madamdamin ang mga karanasang isiniwalat ng mga bagong CPA lalo na ng sinabi ng isang magulang ang pagpapakatulong nya para lamang mapaaral at maging CPA ang kanyang anak.

Sa kasalukuyan, ang tatlo ay may kanya-kanya nang trabaho sa mga kilalang auditing firms. Si Cawaling na tubong Budiong, Odiongan ay nagtatrabaho sa R.S. Bernaldo and Associates bilang Associate Auditor. Si Velasco naman na taga-Budiong din nasa Manabat and San Agustin Co. sa Makati bilang Associate Auditor at si Hije naman na tubong Corcuera at alumnay ng Harrow ay nasa Head Office ng Puregold Club, Incorporated sa Ermita, Manila bilang AP Specialist at Inventory Auditor.■

0 comments:

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008