Thursday, October 1, 2009

Manunulat dagsa sa CEGP-ST Congress; TH nag-echo

Ni Jhelanie Manas

“Drafting Genuine Social Changes: Uniting our ranks and reaffirming our role in upholding Campus Press Freedom and the service for the students and to the people” ang tema ng ika-17 Panrehiyong Kongreso ng College Editors Guild of the Philippines- Southern Tagalog (CEGP-ST) na ginanap sa Batis Aramin Resort, Brgy. Malupak, Lucban, Quezon noong Setyembre 11-13, 2009.

Bilang tugon sa hamong ito, siyam na miyembro ng The Harrow (TH), ang opisyal na pang-estudyanteng publikasyon ng RSC, ang dumalo sa kumbensiyon. Sina Rocky Lee Moscoso, punong patnugot; Nico Jay Jaylo, kabakas na patnugot; Jeofel Almoheda, tagapamahalang patnugot; Catherine Lilang, patnugot ng opinyon; Jhelanie Manas, patnugot ng balita; Alyssa Marie Fernandez, patnugot ng lathalain; Lou Jee Fabiala, patnugot ng grapiks at sining; John Mark Forcado at Edg Bea Ferrera mga kasapi ng patnugutan ang nagsilbing kinatawan ng lalawigan ng Romblon. Kasama rito ang halos 22 kolehiyo at unibersidad sa buong Timog Katagalugan na umabot sa kabuuang 130 kalahok.

Isa sa mga isyung napag-usapan ay ang estado ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ipinaabot ni Ryan Brozula, ang Deputy Secretary General ng National Union of Students of the Philippines (NUSP)- Southern Tagalog, na kinokontrol ng mga pampribadong paaralan ang sistema ng edukasyon at umaabot na lamang sa 20% ang bumubuo sa pampublikong paaralan.

Si G. Vijae Alquisola, National Chair ng CEGP, ang tumalakay sa sitwasyon ng Campus Press Freedom. Ang huli ay nalalayong protektahan ang karapatan ng bawat manunulat at mamamahayag ng mga pangkampus na publikasyon.

Si Bb. Alaysa Tagumpay Escuador, isang kinatawan mula sa UP-Diliman ang tumalakay sa pinaka-kontrobersyal na isyung may kinalaman sa malayang pamamahayag. Ito ay ang Right of Reply Bill of 2009.

Nagkaroon din ng Provincial Caucuses and Reporting dito. Pangunahin sa listahan ang mga problemang panggigipit ng administrasyon sa aspeto ng paniningil ng Publication Fee at pagpigil sa paglabas ng artikulong makakasira umano sa kridibilidad ng pamantasan. May pagkakataon din daw na sila mismo ang nagsusuheto ng dapat ilabas na balita. Ipinaabot ito sa CEGP upang mabigyan ng agarang tugon at solusyon. Kasama na rin ang pagbubuo ng mga resolusyon upang mas lalo pang paigtingin ang partisipasyon ng bawat publikasyon.

Sa loob ng 3 araw ay pinasukan ng mga kalahok ang ibat-ibang kasanayan sa pagsusulat. Kabilang dito ang editorial writing, news writing, feature writing, photo journalism, campus paper management, poetry writing, lampoon writing, opinion writing at literary critisism na pawang napapaloob sa Basic Journalism Skills. Nagkaroon din ng round-table discussion tungkol sa Workers Plight, On Genuine Agrarian Reform, On Urban Poor Situation, Women and Children’s Rights, at On Human Rights Situation.

Sa pagtatapos ay nagkaroon ng talakayan ukol sa “The Youth’s Role in 2010 Election” na ipinahayag ni G. Vencer Crisostomo Deputy Secretary General ng Kabataan Partylist at miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at ang 5th Gawad Karen dela Cruz Award. Naging nominado at kasama sa Unang tatlo ang SINGKAW, opisyal na pang-estudyanteng literary folio ng RSC, sa Best in Literary Folio ng Gawad Karen dela Cruz.

Samantala, sa inisyatibo ng patnugutang The Harrow, naisagawa ang Echo Seminar sa Audio Visual Room noong Setyembre 18. Naging pangunahing layunin nito na maisalin ang kaalamang natutunan sa panrehiyong konbensyon ng CEGP sa iba’t-ibang publikasyon dito sa Odiongan. Dinaluhan ito ng 21 kalahok na nagmula sa The Harrow- Science Laboratory High School at Erhard Systems Technological Institute- Highschool (ESTI). Ilan sa mga tinalakay ay ang Campus Paper Management, na ipinaliwanag ni G. Rocky Lee Moscoso, Column Writing for Campus Journalist, ni G. Jeofel Almoheda, News Writing, ni Bb. Jhelanie Manas, Sports Writing na tinalakay ni G. John Mark Forcado, Feature Writing ni Bb, Alyssa Marie Fernandez, Photography ni G. Nico Jay Jaylo, Lampoon Writing ni G. Lou Jee Fabiala at Editorial Writing ni Bb. Catherine Lilang.■

0 comments:

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008