Thursday, October 1, 2009

Enrolment tumaas ng 20%; BSIT pinakamarami pa rin

Ni Jhelanie Manas

Ayon sa talaang inilabas ng Office of the Registrar, ang populasyon ng RSC ngayong unang semestre ng taon ay umakyat sa kabuuang bilang na 6, 244 (kabilang lahat ng campuses maliban sa hayskul). Umakyat ito ng halos 20% o katumbas ng 1,055 bilang ng estudyante kung ikukumpara noong nakaraang unang semestre na nakapagtala lamang ng bilang na 5,189.

Ang RSC Main Campus ang nanguna sa record sa kabuuang bilang na 3,560. Muling nakuha ng Institute of Engineering and Technology (IET) ang unang pwesto ng talaan sa bilang na 1,637 o katumbas ng 46% sa kabuuang populasyon sa Main Campus (binubuo ng lahat ng kursong pangkolehiyo). Ang Institute of Business and Accountancy (IBA) ay pumangalawa sa hanay sa pagkalahatang bilang na 797 o katumbas ng 22%.

Sinundan ito ng Institute of Arts and Sciences (IAS) na may 493 at nakamit ang 14%. Kapansin-pansin ang naging pagbagsak ng populasyon ng IAS dahil sa pagbabalik ng mga estudyanteng nasa ilalim ng General Curriculum sa kanilang mga respektibong instituto.

Nakapagrehistro naman ang Institute of Professional Studies and Teacher’s Education ng 13% o 466 bilang ng mga estudyante. Binuo ng Institute of Agriculture, Fishery and Forestry ang kabuuang bahagdan sa bilang na 167 o kabuuang 5%.

Kung pagbabatayan ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang sa bawat kurso, muling nanguna ang BS Information Technology (BSIT) na nagtala ng kabuuang bilang na 715. Nasa ikalawang pwesto pa rin ang BS Business Administration (BSBA) na nakapagtala naman ng 420. Ang BS Civil Engineering (BSCE) ang sumunod sa bilang na 324 at 304 naman sa BS Hotel and Restaurant Management (BSHRM); AB Polsci, 282; BEED, 219; BSEE, 165 at BSME, 158.

Dagdag pa rito, ang mga satellite campuses tulad ng RSC Sawang, Romblon ay umabot ng 825. Ang Sibuyan Branch ay nakapagtala ng 1,042 bilang na nahahati sa dalawang campuses, ang San Fernando at Cajidiocan sa kabuuang dami na 738 at 304. Ang Tablas Branch na nakapagtala ng bilang na 817 ay nahahati sa San Andres Campus, 158; Calatrava Campus, 215; San Agustin, 179; Sta. Maria Campus, 121 at Sta. Fe Campus, 144. ■

0 comments:

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008