Thursday, October 1, 2009

4 sa bawat 10 estudyante, diskumpiyado pa rin sa kalidad ng edukasyon sa RSC

Ni Ma. Sheilamae Gonzales

Maraming mga eskwelahan ngayon ang nagbibigay ng magandang edukasyon sa kanilang mga estudyante na kung saan ito ang nagiging daan tungo sa ganap at matagumpay na propesyon ng mga mag aaral sa kolehiyo.

Isa ang RSC sa humuhubog at lumilinang sa kakayahan ng mga estudyanteng nagiging bahagi nito. Ngunit marami pa rin sa mga estudyante ng paaralang ito ang nagdududa sa kakayahan nitong linangin ang kaisipan nila patungo sa isang matagumpay na kinabukasan.

Sa isang pagtatayang isinagawa ng patnugutan ng The Harrow (TH), isa sa mga katanungan ay kung ‘Satisfied ba sa kalidad ng edukasyon ang mga estudyante ng RSC?’ Ito ang katanungang inilabas ng patnugutan upang malaman kung gaano kataas ang antas ng edukasyon sa paaralang ito.


Sa kabuuan, 43 porsyento (43%) o apat sa bawat sampung mga estudyante ang nagsasabing hindi sila satisfied sa kalidad ng edukasyon sa RSC. Para sa kanila, kulang pa ang mga libro sa library. Maging ang mga instructors ay kulang din kaya kadalasan napapagod na kaagad ang mga ito sa pagtuturo. May mga instructors din na hindi competent sa larangan ng kanilang tinuturo.

Tatlumpo’t walong porsiyento (38%) naman ng mga estudyante ang nagsasabing satisfied na sila sa kalidad ng edukasyon sa RSC. “Marami na sa kasalukuyan ang nangunguna sa mga board exams na galing dito sa ating institusyon,” saad ng isang estudyante patungkol sa tanong na ito. At ayon naman sa mga estudyante sa sekundarya, “Opo, kasi advance na ang mga natutunan naming mga high school students.”

Labindalawang porsiyento naman (12%) ang hindi sigurado sa kalidad ng edukasyon sa paaralang ito. Ayon sa kanila, may mga part-time instructors na hindi pa gaanong bihasa sa pagtuturo kaya hindi mahimok ang mga estudyante na mag-aral at matuto.
Pitong porsiyento (7%) ng mga estudyante ang hindi nagkumento patungkol sa tanong na ito na karamihan ay freshmen. Ayon sa kanila, wala silang masabi sa isyung ito sapagkat wala pa silang masyadong kaalaman sa mga estratehiya ng pagtuturo sa paaralang ito.

Napag-alaman din na marami pang kakulangan ang paaralan upang makamit ang misyon nitong de-kalidad na edukasyon.

Ito ang nakalap ng patnugutan mula sa 104 estudyanteng sumali sa sample survey na ito na sistematikong pinili upang maging batayan ng pangkalahatang pulso ng mga sektor ng estudyante. ■

2 comments:

toto cruz said...

bahagi ba ng pagkatao ni sespene ang diumano'y manipulasyong naganap sa proseso ng pagpili sa bagong presidente ng PSU kung saan sya ang nailuklok ng BOR sa superbisyon ng CHED/Chairman Licuanan?

toto cruz said...

bahagi ba ng pagkatao ni sespene ang diumano'y manipulasyong naganap sa proseso ng pagpili sa bagong presidente ng PSU kung saan sya ang nailuklok ng BOR sa superbisyon ng CHED/Chairman Licuanan?

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008