Pangulong GMA: Abusadong Totoo?
“I did not become President to be popular. To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President. When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.” Ang pahayag na ito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (PGMA) ay bahagi ng kanyang SONA ’09.
Ang sabi niya, ‘I did not become President to be popular’, ang sabi ko naman, ‘She most likely become President to be moneyed’.
Napakayaman ngayon ng ating PGMA batay sa kanyang Statement of Assets, liabilities and Net worth (SALN). Kung noong 2001 bago ang kanyang pagka-upo bilang presidente, ang net worth niya ay P66.8 Milyon, nitong taong 2008, elepante sa laki ang kanyang net worth na umabot sa P143.54 Milyon. Wow naman! Napakayaman na pala talaga ng ating PGMA! Paano kaya lumago ng ganoon ang kanyang yaman?
Magtataka ka pa ba sa sobra-sobrang kayamanan ni PGMA eh sa dinami-dami ba namang pang-aabuso at iskam ang naugnay sa pangulo. Naaalala nyo pa ba ang ‘Hello Garci’ na naging binhi ng muling paghirang kay Arroyo bilang pangulo? Natuldukan na ba ang ‘ZTE-NBN Deal’?, ang ‘Euro Generals’, at ang ‘Fertilizer Scam’?. Naku, mapapa-iling ka nalang sa mga katarantaduhan sa gobyerno.
Noong panahon ni ex-convict Erap, nakasuhan siya ng plunder at napalayas sa Malacañang dahil sa P5 Bilyong napingas niyang pondo sa gobyerno. Samantalang itong si PGMA, na may kabuuang halagang nakurakot na P20.9 Bilyon sa 16 na pinakamalalaking kaso ng korupsyon mula 2001 hanggang 2008 ayon sa IBON Foundation ay hindi pa rin nasisipa at naisusuka ng Malacañang.
Ayon pa rin sa SALN ng pangulo, ang kanyang bahay at lupa nitong 2008 ay anim (6). Samantalang ang totoo umanong bilang ng bahay at lupa na pagmamay-ari ni PGMA na hindi nakasaad sa SALN ay ayon kay Sec. Raul Gonzales ay labing-isa (11). Ang lupit talaga!
Base pa nga sa mga pagtatala, ang halagang nadaragdag sa yaman ni PGMA kada taon na hindi malaman kung saan nanggaling ay umaabot sa P10 Milyon. OMG! Sobra na ang pang-aabuso ni Gloria!
Sa administrasyon ni Cory Aquino mula 1989 hanggang 1992 ay 4.8% lamang ang inilaki ng kanyang kayamanan. Ang paglago naman sa datung at ari-arian ni Fidel Ramos mula 1992 hanggang 1998 ay 32.2%. Nang si Erap Estrada naman ang maupo (sa magical chair na nagpapayaman?), 7.2% ang itinaas ng kanyang yaman. Pero, nang si PGMA na ang nasa Malacañang, ito ang sobra-sobra at kamuntik ng umabot sa langit ang taas ng porsyento, umabot sa 114% ang rate ng pagyabong ng kanyang yaman. Nakakahilo po. Nakakapanindig balahibo.
Nasaan ngayon ang serbisyong totoo para sa Pilipino?
‘To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President.’ Mukhang ang linyang yan sa kanyang SONA 09 ay taliwas sa mga datos ng kanyang ari-arian. Talaga nga bang ang masang Pilipino ang pinakarason kung bakit ka naging pangulo PGMA? O para makalambat ng maraming kwarta mula sa dugo at pawis ng pilipinong nagbabayad ng buwis? Nagpayaman ka lang naman yata eh…
Aniya pa ni PGMA sa kanyang SONA 09, ‘When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.’ Napakaganda ng ganitong bisyon at titiyakin nating mga Pilipino na mangyayari ito hindi muna ngayon siyempre dahil kailangan munang lumayas ni PGMA sa Malacañang.
Sa pagsasabing ‘I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.’ ay nagpapakitang kahit paano’y may pangarap ang pangulo para sa atin. Kaya lang, hindi niya natupad at malabong matupad hanggat hindi siya napapalitan dahil pumangit lalo ang imahe ng Pilipinas nang si PGMA ang umeksena.
Pang-38 ang ranking ng Pilipinas sa mga pinakatiwaling bansa sa mundo noong 2008 ayon sa Transparency Corruption Perception Index. Pang-anim (6th) naman tayo sa pinakatiwaling bansa sa Asya ayon sa 2009 Political and Economic Risk Consultancy Corruption Survey. Batay sa mga record na ito na ipupukol sa rehimeng Arroyo, dapat pa bang pagkatiwalaan si PGMA?
Ayon sa May 2009 Pulse Asia Survey, 46% ng mga Pilipino ang walang tiwala sa administrasyong Arroyo. Ouch. Ouch. Oust!
Nasaan na ang serbisyong totoo? Puro pang-aabuso lang naman yata ang ginawa mo.
Kapwa ko kabataan, imulat natin ang ating mga mata sa dungis ng katotohanang ito. Kailangan natin ng pagbabago. Kabataan, tayo ang pagbabago! Malapit na ang Eleksyon 2010, magparehistro! Yanigin ang 2010! Matuto tayo sa itinuro sa atin ng karanasan. Maging pihikan tayo ngayon sa pagboto.
Subukan ding magbasa ng ilan ko pang artikulo sa: www.jeofel-almoheda.blogspot.com
0 comments:
Post a Comment