Thursday, October 1, 2009

Sikat na Tambayan ng mga Estudyante

Ni Karen Arcasitas

BAYWALK FIRMALO’S GARDEN

Dinadagsa ng mga estudyante lalo na kapag walang pasok. Maaga pa lang ay halos puno na ang mga tables ng mga estudyante na nagrerelax sa isang linggong stress sa klase . Masarap nga naman ang pakiramdam ng nagtutungga habang may malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. Nakakarelax nga daw ang magulong paligid at makulay na disco lights habang umiindak-indak sa dance floor magdamagan. Ito ang gawain ng mga hyper active students.

Pope Allan’s BAR AND RESTO

Kung ninanais naman ng mga estudyante ang sayawan buong magdamag, aba! dito mo sila matityempuhan. Simula pa lang ay makulay at umaapaw na ang gabi mo. Wow! Magdamagan din ang kalokohan ng mga estudyante. Minsan nga lang naman gumimik, mag-enjoy daw muna, kahit minsan, huwag puro aral pero ilagay naman sana sa tama.


INTERNET CAFE

Hindi lang maingay at makulay na spotlight ang hanap ng mga estudyante kundi ang umupo sa harapan ng computer at magDOTA. Halos mapuno ang mga internet cafe ng mga estudyante tuwing vacant hours at halos hindi nababakante ang mga upuan. Kapag pumasok ka, isa lang ang masasaksihan mo sa screen ng computer; On- line games. Hobby na ng mga estudyante ang magDOTA hanggang pagpawisan. Kung sabagay hindi naman sila nagsasawa dito. Mas exciting pa raw ito kaysa pumasok sa boring na propesor kaya wala nang laman ang utak kundi DOTA. Okay lang na absent sa klase basta complete attendance sa internet cafe. Dahil sa DOTA, mabilis na nauubos ang allowance ng mga estudyanteng naadik dito at mabilis din ang pagyaman ng mga may-ari ng computer shops.

BAYWALK (TABING DAGAT)

Ang iba naman ay trip na maglakad-lakad sa baybayin at isa lang ang destinasyon nila, ang tabing dagat. ‘Di hamak na mas maganda ngayon ang tanawin dito, parang namamasyal ka na rin sa Baywalk (Manila). Karamihan ay namamasyal o di kaya ay nagdadate. Dinadagsa ito lalo na sa gabi kapag bukas ang magandang mga ilaw. Maganda nga raw kapag gabi, nagagawa ang gusto. Karaniwang makikita dito ay grupo o magbabarkada na nagja-jamming kung gabi. Dating place sa umaga at jamming place sa gabi.

CHILDRENS’ PARADISE

Kung trip naman ng mga estudyanteng umupo at magkwentuhan buong maghapon, ito ang best place na puntahan. Iba’t-ibang trip ng mga estudyante ang masasaksihan mo. May nagde-date, nagkukwentuhan, nagsa-soundtrip, laughing trip, at ang iba ay nakatunganga lang. Ang iba naman ay nag-aaral o nagsasagawa ng group study. Halos may nakapwesto sa bawat bench at kubo na makikita roon. May mga nanti-trip sa mga taong dumadaan at may mga nagpapalipas lang ng oras. Meeting place din ito ng mga mag-textmates at ng mga magbabarkada.

ODIONGAN PUBLIC PLAZA

Tambayan naman ito ng mga studyanteng mahilig magpapawis. Karaniwan ay mga kalalakihan ang namamalagi rito. Tuwing bakanteng oras ay makikita mo silang naglalaro ng basketbol, nanunuod o nag che-cheer. Recreational place rin ito ng iba. Ginagawang pustahan ang laro, hindi lang nag enjoy, nagka-pera pa. Ito ang tambayan ng mga studyanteng walang magawa sa buhay kundi ang magpasaway.

BURGERAN

Sa iba namang iba ang hanap na ang gusto ay ang mag-foodtrip, dito ang tuloy. Aanhin nga raw ang libangan kong wala namang laman ang tiyan. Makikita mo silang grupo o partner na nagbuburger. Pagkagaling sa klase kapag medyo mabigat ang bulsa at napagtripan ng barkada, isa lang ang magic word “tara burger tayo”. Ang pagtambay sa mga burger stand ay isa ring pampalipas oras ng mga studyante. Nakakalibre ang maswerte at malas naman ang iba kung KKB ang usapan. Pwede rin itong dating place o kaya’y meeting place ng barkada.

PERCY’S KUMBUAN

Kung medyo nagtitipid at gusto ng ibang paligid na okay sa panlasa ng masa, kina Aling Percy na dumiretso. Hindi lang mura ang combo dito, masarap pa. Malaya ang mga estudyante na gawin ang mga kalokohan nila basta hindi labag sa mga polisiya ni Aling Percy. Kung medyo close pa kay Aling Percy, pwede pang makautang. Maramihan kung sumugod dito ang mga estudyante, karaniwan ay magkakaklase o magbabarkada. Karamihan sa mga pumupunta dito ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan.

BOARDING HOUSES

Kung tinatamad naman ang mga estudyante na maglakwatsa at gusto ay ang magpahinga muna, syempre sa boarding house ang best place para diyan. Dito, kahit anong oras pwedeng madala ang barkada at magpalipas ng oras. Malaya silang makakagawa ng kalokohan basta hindi isturbo sa landlady o landlord. Sama-samang kumakain, nagkukuwentuhan o kaya’y naggo-group study. Nagsisilbing tambayan ito ng mga mahihilig magdala ng barkada o kaya’y kasintahan sa boarding house.■

1 comments:

The Traveler's Journey said...

Buhay pa ba ang Coco-Bongo? Madami rin ata students na gumagala doon o nagchange na ng name...natanong lang po...

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008