Romblon State YOUniversity
ni Jeofel M. Almoheda
We’re taking our final examination in Cost Accounting then when our CPA instructress shared a big news to us. She said that RSC is now a full-fledged RSU after PGMA signed into law the HB 5217 which is now Republic Act No. 9721.
Pinaghalong saya at kaba ang naramdaman ko nang mga oras na iyon dahil maliban sa sumasagot kami sa aming papel eh sobrang pamatay din ang eksamin sa Accounting. Idagdag pa ang masayang balita na Romblon State University na kami, tayo!
Natupad na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ng bawat Romblomanon na magkaroon ng unibersidad dito sa Marble Capital of the Philippines. Makikinita na rin ang magandang bukas na umaabang sa mga estudyanteng pumapasok sa unibersidad ng Heart of Archipelago.
Muli, isang masigabong palakpakan sa matiyaga’t masipag nating representante sa kamara, Cong. Eleandro Jesus Madrona, at sa masipag na pangulo ng ngayon ay RSU na, Dr. Jeter S. Sespeñe. Maging sa buong pwersa ng masang Romblomanon na patuloy na sumuporta para maging ganap na RSU ang RSC, maraming salamat at congratulations po!
Kung ating natatandaan, the quest for universityhood started early on 1992 when our Congressman Madrona on his first term filed HB 3265. This bill was dragged and approved both in House of Representatives (HR) and in Senate but unfortunately was not signed by then ousted sitting president.
Nang makabalik si Cong. Madrona sa Kamara after 2007 Election, one of his priorities is the conversion of RSC into RSU. He filed again HB 5217, ‘An Act Converting the Romblon State College in the Municipality of Odiongan, Province of Romblon into a State University to be known as Romblon State University and Appropriating Funds Therefor.’ This bill was approved in HR and has a counterpart in Senate which is the bill authored by Sen. Escudero, SB 3079.
And, just this 14th of October, Pres. Arroyo signed Republic Act No. 9721 that makes RSC a Romblon State University. This calls for a big celebration!
-oOo-
Ngayong branded as university students na tayo, what do you expect sa ating RSU? A top-quality education? Competent instructors, masters at doctors? Sufficient facilities? Updated books? We can expect also of additional ‘invented’ fees to be imposed to us but Tuition Fee Increase (TFI) must not happen here in RSU. Hindi dapat! Kapag tumaas ang matrikula, mahihirapan ang aming mga magulang sa pagpapaaral sa amin. Kung magkagayon (‘wag naman sana…) sisigabo ang out of school youth at tiyak ding ipaglalaban namin ang karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino at ito’y sinusuhayan ng ating saligang batas. Education is not a commodity; education is our constitutionally guaranteed rights!
-oOo-
Markahan natin ng pula ang ating kalendaryo sa petsang Oktubre 14, 2009 dahil ito ang araw ng pagbautismo sa RSC para maging RSU. Isa po itong malaking accomplishment ng bawat Romblomanong nakikibaka para sa ikaka-RSU ng RSC. Padayon RSU!
-oOo-
Romblon State University. Parang musika sa tainga kung pakikinggan at ulit-uliting bigkasin. Isip-isiping pumapasok ka sa isang university, sa univ[ersity] na nag-iisa sa Romblon. Anong swerte nating mga kabataang Romblomanon dahil tayo’y bahagi ng historikal na univ na ito!
Mataas na ang expectation ngayon sa RSU. Ang pagiging RSU ay hindi nangangahulugang dahil katunog nito ang MSU, CPU, FEU, DLSU at iba pang sikat na pamantasan ay kapantay narin nito ang antas ng edukasyon nila. Ang pagiging RSU ay hindi lamang nangangahulugan ng malaking pondo at university-marked na transcript. Tayo dapat ay hindi lang RSU sa papel! Ang RSU, bagkus, ay nangangahulugang makakaasa na tayo ng mataas na antas ng emansipasyon at liberalisasyon, masasapatan na ang ilan pa nating pangangailangang akademiko at makakapag-produce na rin ito ng mas marami at mas kompetibong gradweyt. Hindi magtatagal at sisikat ang ating ipinagmamalaking univ hindi lamang sa Timog Katagalugan kundi’y sa buong archipelago lagpas hanggang saan mang sulok ng mundo!
-oOo-
Tiyak, ang RSU ay malinaw na katuparan ng maraming pangarap ng mga Romblomanon. Ngunit, huwag nating kaliligtaan ang akademikong tulong sa atin ng Romblon State College at ang pagpupursige rin noon ng RSC’s Father, Jun Ganan, para maging State College sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 393.
RSU is far different from RSC but RSC has already helped and transformed numerous Romblomanon into brighter sides. Ngayon, may kailangang patunayan ang RSU. Kailangan nitong lagpasan ang naabot ng RSC. We have high hopes for that.
Salamat sa Ama ng RSC, Jun Ganan, at salamat sa Ama ng RSU, Cong. Budoy Madrona, para sa kanilang di-matatawarang pagpupursige para sa estudyanteng Romblomanon. Salamat po!
-oOo-
RSU is our new pride. RSU is our new gem here in Romblon. You are very fortunate to be part of it. The quest of our univ is the pursuit of all. You and your YOUniversity must have a win-win system for excellence! Padayon RSU! Padayon Romblomanon!
1 comments:
Dear Editor:
I came across your site while browsing romblonpost.com.
Pardon my ignorance. I didn't know you have an online student newspaper.
I'd like to thank you for linking my blog, http://bunsurancaravan.blogspot.com to your site. This shows the RSC studentry is open to critical blog reporting that bunsuran is known for.
There are relevant articles in TH, but readers would truly appreciate your paper if it is frequently updated and tightly edited.
Kudos.
Nicon F. Fameronag
Post a Comment