Showing posts with label Features: Community. Show all posts
Showing posts with label Features: Community. Show all posts

Thursday, October 1, 2009

Sikat na Tambayan ng mga Estudyante

Ni Karen Arcasitas

BAYWALK FIRMALO’S GARDEN

Dinadagsa ng mga estudyante lalo na kapag walang pasok. Maaga pa lang ay halos puno na ang mga tables ng mga estudyante na nagrerelax sa isang linggong stress sa klase . Masarap nga naman ang pakiramdam ng nagtutungga habang may malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. Nakakarelax nga daw ang magulong paligid at makulay na disco lights habang umiindak-indak sa dance floor magdamagan. Ito ang gawain ng mga hyper active students.

Pope Allan’s BAR AND RESTO

Kung ninanais naman ng mga estudyante ang sayawan buong magdamag, aba! dito mo sila matityempuhan. Simula pa lang ay makulay at umaapaw na ang gabi mo. Wow! Magdamagan din ang kalokohan ng mga estudyante. Minsan nga lang naman gumimik, mag-enjoy daw muna, kahit minsan, huwag puro aral pero ilagay naman sana sa tama.


INTERNET CAFE

Hindi lang maingay at makulay na spotlight ang hanap ng mga estudyante kundi ang umupo sa harapan ng computer at magDOTA. Halos mapuno ang mga internet cafe ng mga estudyante tuwing vacant hours at halos hindi nababakante ang mga upuan. Kapag pumasok ka, isa lang ang masasaksihan mo sa screen ng computer; On- line games. Hobby na ng mga estudyante ang magDOTA hanggang pagpawisan. Kung sabagay hindi naman sila nagsasawa dito. Mas exciting pa raw ito kaysa pumasok sa boring na propesor kaya wala nang laman ang utak kundi DOTA. Okay lang na absent sa klase basta complete attendance sa internet cafe. Dahil sa DOTA, mabilis na nauubos ang allowance ng mga estudyanteng naadik dito at mabilis din ang pagyaman ng mga may-ari ng computer shops.

BAYWALK (TABING DAGAT)

Ang iba naman ay trip na maglakad-lakad sa baybayin at isa lang ang destinasyon nila, ang tabing dagat. ‘Di hamak na mas maganda ngayon ang tanawin dito, parang namamasyal ka na rin sa Baywalk (Manila). Karamihan ay namamasyal o di kaya ay nagdadate. Dinadagsa ito lalo na sa gabi kapag bukas ang magandang mga ilaw. Maganda nga raw kapag gabi, nagagawa ang gusto. Karaniwang makikita dito ay grupo o magbabarkada na nagja-jamming kung gabi. Dating place sa umaga at jamming place sa gabi.

CHILDRENS’ PARADISE

Kung trip naman ng mga estudyanteng umupo at magkwentuhan buong maghapon, ito ang best place na puntahan. Iba’t-ibang trip ng mga estudyante ang masasaksihan mo. May nagde-date, nagkukwentuhan, nagsa-soundtrip, laughing trip, at ang iba ay nakatunganga lang. Ang iba naman ay nag-aaral o nagsasagawa ng group study. Halos may nakapwesto sa bawat bench at kubo na makikita roon. May mga nanti-trip sa mga taong dumadaan at may mga nagpapalipas lang ng oras. Meeting place din ito ng mga mag-textmates at ng mga magbabarkada.

ODIONGAN PUBLIC PLAZA

Tambayan naman ito ng mga studyanteng mahilig magpapawis. Karaniwan ay mga kalalakihan ang namamalagi rito. Tuwing bakanteng oras ay makikita mo silang naglalaro ng basketbol, nanunuod o nag che-cheer. Recreational place rin ito ng iba. Ginagawang pustahan ang laro, hindi lang nag enjoy, nagka-pera pa. Ito ang tambayan ng mga studyanteng walang magawa sa buhay kundi ang magpasaway.

BURGERAN

Sa iba namang iba ang hanap na ang gusto ay ang mag-foodtrip, dito ang tuloy. Aanhin nga raw ang libangan kong wala namang laman ang tiyan. Makikita mo silang grupo o partner na nagbuburger. Pagkagaling sa klase kapag medyo mabigat ang bulsa at napagtripan ng barkada, isa lang ang magic word “tara burger tayo”. Ang pagtambay sa mga burger stand ay isa ring pampalipas oras ng mga studyante. Nakakalibre ang maswerte at malas naman ang iba kung KKB ang usapan. Pwede rin itong dating place o kaya’y meeting place ng barkada.

PERCY’S KUMBUAN

Kung medyo nagtitipid at gusto ng ibang paligid na okay sa panlasa ng masa, kina Aling Percy na dumiretso. Hindi lang mura ang combo dito, masarap pa. Malaya ang mga estudyante na gawin ang mga kalokohan nila basta hindi labag sa mga polisiya ni Aling Percy. Kung medyo close pa kay Aling Percy, pwede pang makautang. Maramihan kung sumugod dito ang mga estudyante, karaniwan ay magkakaklase o magbabarkada. Karamihan sa mga pumupunta dito ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan.

BOARDING HOUSES

Kung tinatamad naman ang mga estudyante na maglakwatsa at gusto ay ang magpahinga muna, syempre sa boarding house ang best place para diyan. Dito, kahit anong oras pwedeng madala ang barkada at magpalipas ng oras. Malaya silang makakagawa ng kalokohan basta hindi isturbo sa landlady o landlord. Sama-samang kumakain, nagkukuwentuhan o kaya’y naggo-group study. Nagsisilbing tambayan ito ng mga mahihilig magdala ng barkada o kaya’y kasintahan sa boarding house.■
Read more...

Odiongan Agro-Commercial Center: Maliwanag na Katuparan ng mga Pangarap

Ni Ma. Sheilamae Gonzales at Catherine Lilang

Kung naikot mo na ang buong bayan ng Odiongan, mamamangha at mabibighani ka sa maraming pagbabago rito. Naglalakihan at naggagandahang mga gusali ang makikita saan ka man mapatingin. Ito na ba ang simula ng pangunguna ng bayan ng Odiongan sa buong probinsya ng Romblon?

Isa sa pinag-uusapan ng mamamayan ng buong Romblon ang pinagkakaabalahang proyekto ng bayang ito, ang pagtatayo ng Agro-Commercial Center. Marami ang nasasabik na matapos na ang imprastrakturang ito dahil ito ang kauna-unahang pampublikong gusali na maihahambing natin sa mga malls sa lungsod ng Maynila. Ito din ang magiging isang buhay na simbolo ng tuluyang pag-unlad ng Odiongan sa larangan ng industriya at turismo.

Matatagpuan ang Odiongan Agro-Commercial Center sa Brgy. Liwanag, Odiongan, Romblon. Ang tatlong palapag na gusaling ito ay plinano at itinayo upang maging sentro ng atensyon at atraksyon sa mga mamamayan ng Romblon pati na rin sa mga negosyanteng nagnanais na magtayo ng negosyo sa bayan ng Odiongan.

Ang OCC ay binubuo ng tatlong palapag na gusali kung saan ang unang palapag ay inilaan para sa mga nagnanais magtayo ng boutiques, food courts, appliance center, school and office supplies, at bakeshop, musical instrument stores at Mercury Drug Store. Samantala sa ikalawang palapag ng gusali, maaring maglagay ng internet café’, boutiques, restaurants at signature stores. Ang ikatlong palapag ay sadyang inilalaan para sa nais magtayo ng fitness center, amusement parks, dental and medical offices, national offices, tutorial schools, internet café’s, restaurant at mga private offices. Hindi pa man natatapos nang tuluyan ang gusaling ito na nagkakahalaga ng apatnapung milyong piso (40 million) ay atin nang nakikinita ang mga buhay na buhay na eksena sa bayan ng Odiongan. Sa harap ng gusali, naglaan ng espasyo para sa parking area ng mga mamimili kasabay ang pagbibigay din ng espasyo sa mga public utility jeepneys (sa harap ng national road) na sadyang pinaplano pa nang mabuti para maiwasan ang trapiko.

Ang pagtatayo ng Odiongan Agro-Commercial Center ay maaaring magbunga din ng masamang epekto na hindi maiwasan. Sa aming masusing pakikipagpanayam kay G. Rosebi D. Agaloos ng Municipal Planning Development Council, ang katahimikan at kaayusan ang siyang unang maaapektuahn ng pagkakaroon ng bagong gusali dahil sa hindi maiiwasang pagdagsa ng mga tao at ang kaakibat na kriminalidad sa mga mataong lugar. Ayon pa sa kanya, ang trapiko ay isa ding nakikinitang problema dahil sa minsang kawalan ng disiplina sa sarili ng mga drayber at mga mamimili. Ang problema sa basura ay isa pang suliranin na kahit sa maunlad na lungsod ay hindi maiwasan dulot ng mga taong hindi nagpapahalaga sa kalinisan ng lugar. Maiiwasan at masosolusyonan kahit papano ang nakikinitang problemang ito kung parehong tataglayin ng mga mamimili, may-ari ng negosyo, at mga drayber ng pampasaherong sasakyan ang tinatawag na disiplina sa sarili para sa tagumpay at pag-unlad ng Odiongan bilang pangkalahatan.

Ito ngayon ang buhay na sagisag ng pangunguna ng Odiongan sa buong probinsya ng Romblon at katuparan ng pangarap ng mga namumuno dito na maging isang lungsod ang bayan sa darating na panahon at manguna sa larangan ng komersyo. Tunay na makakaakit ito ng mga lokal at banyagang investors na siyang magpapalago sa ekonomiya ng Odiongan. Inaasahang matatapos ang gusaling ito ngayong taon.■
Read more...

Wednesday, September 30, 2009

Kung Bakit Patok si Santino

Ni Edg Bea Ferrera at Keycel Fejer


“Santino” isa lamang iyan sa mga pangalang sikat sa kasalukuyan na ating napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa teleseryeng “May Bukas Pa” ng ABS-CBN.

Zaijian Jaranilla ang totoong pangalan ng ating bida, walong taong gulang at tubong Amoingon, Boac, Marinduque. Bago pa siya madiskubre at mabigyan ng malaking break ay atin muna siyang nasulyapan sa mga patalastas ng Lactum at Mc Donald’s. Gumanap din siya bilang munting John Pratts sa programang “Tiny Tony” sa parehong network.

Sa “May Bukas Pa” siya ay binansagang “the miracle boy” dahil sa kanyang talentong manggamot ng mga may sakit at abilidad na makipag-usap kay Bro (Jesus). Bilang Santino, marami ang humanga sa kanyang drama at komedya kaya’t tinagurian siyang Niño Muhlach ng bagong henerasyon. Namamayagpag ang kanyang programa bilang nangungunang teleserye sa prime time. Napapanatili nito ang mahigit 40% audience share sa buong bansa simula nang ito ay umere. Patok sa panlasa ng mga matatanda, kabataan, mga bata at kapwa artista dahil sa karismang taglay. Dahil dito, ang planong dalawang buwan na pag-ere ng kanyang palabas ay binigyan pa ng ekstensyong limang buwan. Ito ay dahil sa hiling na rin ng mga manonood sa loob at labas ng bansa.

Ayon sa kanila, kakaiba sa lahat ang istorya ni Santino dahil pang noypi talaga ang dating nito kumpara sa mga Koreanovela at Mexicanovela. Maliban sa galing ng mga tauhan, agaw-pansin din ang mga mahimalang tema ng bawat kuwento.

Kung ating babalikan ang kasaysayan ang mga manankop na Espanyol ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa buong kapuluan. Naging parte na ng pananampalataya ng mga Pilipino ang paniniwala sa mga himala at pagiging madasalin sa lahat ng oras. Sa kabilang banda, natatalakay din ang isyung panlipunan at pampulitika na kung ihahambing sa realidad ay hindi nagkakalayo sa nangyayari o maaring mangyari. Sa madaling salita, maraming tao ang nakakasakay sa palabas na ito. Na kung mayroon nga lang isang tao, bata man, na makakatulong upang magbago at maging maayos ang isang lipunan ay tunay ngang may bukas pa. Ang programa ay nagbibigay inspirasyon sa mga tao at sa lipunan. Nagpapaalala din ito sa magagandang gawi, tradisyon at kultura nating mga kayumanggi. Tinatangkalik ng mga tao si Santino dahil siya’y bakas ng ating pagkamakabayang Pilipino.

Maraming nakakapansin sa kainosentehan ng batang si Santino. Ito marahil ang wala sa ibang mga batang artistang dumaan na pilit pinag-iisip matanda ng mga direktor upang makakuha ng atensiyon o di kaya ay magiging dahilan ng katatawanan kagaya na lang nina Niño Muhlach at Aiza Seguerra.

Sa isang maikling palitan ng kasipan kay Monseigneur Ernie Fetalino ng Odiongan Catholic Church, marami kaming napagtanto sa katauhan ni Santino. Ayon sa pari, si Santino ay maihahalintulad sa Diyos Anak na marami ring naitulong sa mga taong nakapaligid sa Kanya sa tulong at payo ng Diyos Ama. Ang Diyos Anak ay parang si Santino, at ang diyos Ama ay si Bro. Ang mga bagay at aral na kanyang ibinabahagi sa iba ay galing sa mga salita ni Bro at si Santino lamang ang tagasunod sa mga nais Niya.

Ayon pa sa kura paruko, ang mga sitwasyon sa palabas ay nagdudulot ng positibong reaksiyon sa simbahang Katoliko. Nakatutulong daw ito na ipakita sa sambayanan ang kahalagahan ng pagdarasal sa Diyos. Ang pagpapakita ni Santino ng kabutihan sa mga taong alam niyang masama sa kanya ay nagbibigay-daan para gumaan ang loob ng taong iyon sa kanya. Ito ay isang kahanga-hangang karakter. Ang magandang persona ni Santino ay naging popular kaya maraming bata ang humahanga at ngayo’y gumagaya sa kanya. Ang batang aktor ay natural kung umarte kaya mas madali niyang nahihikayat ang mga manonoood na panoorin ang “May Bukas Pa”.

Patok ba si Santino sa mga taga RSC? May ilan na nagsabing oo, dahil sa karisma niya. Ang ilan naman ay humanga sa kanyang drama na talagang nagpapaiyak din ng mga taong sumusubaybay sa palabas niya. May iba naman na naiinggit, dahil nakakausap niya si Bro. Karamihan ay hindi nanonood dahil sa walang ABS-CBN channel sa kanila, pero kilala si Santino dahil na rin sa nauusong ‘Salamat Bro’.
Read more...

Mga Nakakakilabot na Banta ng Climate Change

Ni Christian Mortel


Nakakalito ang panahon. Mainit tapos ay biglang uulan. Tag-araw pero mukhang napaaga ang pagpaparamdam ng tag-ulan. Ilan lamang ito sa sinasabing mga sintomas ng pagbabago ng klima o climate change.

Ano ang climate change?

Ang climate change ay ang pinakaseryosong banta na hinaharap ng mundo ngayon. Ramdam na pati sa Pilipinas ang mga nakababahalang palatandaan nito. Nararanasan ang tagtuyot sa panahon ng tag-ulan; dumarating ang bagyo kahit tag-init. Tumataas na rin ang tubig-dagat na sanhi ng pagkatunaw ng yelo sa Siberia at Antartika dahil na rin sa pagtaas ng pandaigdigang temperatura. Dahil dito, nalalagay sa peligro ang buhay ng milyun-milyong sangkatauhan.

Ano ang sanhi nito?

Ang init mula sa araw ay tumatama sa tubig at lupa. Ngunit kung gabi ang init na ito ay pinapakawalan ng tubig at lupa upang makalabas sa ating mundo. Ito dapat ang normal na mekanismo. Ngunit nang naimbento ang steam engine at nagsimula ang industriyalisasyon, natutong gumamit ng coal, langis at iba pang fossil fuels ang mga tao upang makatakbo ang planta ng kuryente. Carbon dioxide ang pangunahing gas na ibinubuga ng mga plantang ito dahil sa pagsunog ng uling. Ang carbon dioxide, water vapor, methane at iba pa ay ilan lamang sa mga tinatawag na greenhouse gases. Ang greenhouse gases ay grupo ng substances na humaharang sa init (heat waves) upang makalabas sa mundo. Kapag mas marami ang konsentrasyon nito sa himpapawid, malakas din ang pagharang nito sa init na dapat ay maka-eskapo. Resulta, umiinit ang mundo. Ito ang tinatawag na greenhouse effect. Kapag uminit ang mundo, mabilis ang evaporation sa mga anyong tubig. Ito ang gumagatong upang mabuo ang mga bagyo. Sa dami ng tubig na nag-evaporate, ganito rin kadami ang magpiprecipitate o magiging ulan na karaniwan ay hinihigop ng mga bagyo. Kaya pagsampa ng bagyo sa lupa, inaasahan lagi ang malakas na pag-ulan at pagbaha.

Inihahalintulad ng mga siyentipiko ang greenhouse effect sa isang kotseng nakabilad sa initan. Kapag pinasok mo ito ay mararamdaman mo ang kakaibang init dulot ng heat waves o infrared rays. Nakakapasok ang init sa loob ng sasakyan pero natatrap o nakukulong sila ng salamin ng kotse kaya hindi na makalabas. Ang loob ng sasakyan ay kumakatawan sa mundo. Ang salamin sa mga binatana ang greenhouse gases at ang init sa loob ang greenhouse effect.

Maliban sa greenhouse gases, sinasabi ng mga siyentipiko na ang pagnipis ng ozone layer ay nakaragdag din sa pag-init ng panahon. Ang ozone kasi ang sumasala sa mapaminsalang ultraviolet rays ng araw. Subalit dahil sa mga chloroflourocarbons (CFCs) na binubuga ng mga pabrika, binabawasan nito ang bilang ng ozone gases sa himpapawid dahilan upang mas lalong uminit ang mundo. Ang pagbabago ng panahon ay kagagawan na rin daw ng mga tao. Walang habas kung sirain ng mga ito ang kalikasan: pagkalbo ng kagubatan, iresponsableng pagmimina at iba pa. Walang pakialam sa pagtatapon ng basura. At waldas sa paggamit ng enerhiya.

Mga Nakakatakot na Banta

Naniniwala ang mga eksperto na ang climate change ay narito na sa ating panahon. Nararanasan na natin ang extreme weather conditions kagaya ng malawakang forest fires at heat waves, malapugong init, malalakas na bagyo at malahiganteng mga ipo-ipo.

Tinatayang may isang metro ang itataas ng dagat. At sa darating na 30 taon lalapit ng halos isang kilometro ang dalampasigan sa pampang. Ito ang nagkakaisang pag-aaral at pagtataya ng mga siyentipiko sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pangyayaring ito ay pandaigdigan. Sa pagtaas ng dagat, lulubog ang maraming maliliit na pulo sa Pasipiko. Ang Maldives, grupo ng mga isla sa Karagatan ng India ay nakakaranas na ng paglubog sa ilan nitong maliliit na mga pulo. Ilang metro lang kasi halos ang taas ng mga ito sa karagatan. Hindi maglalaon, nakikinita rin ang paglubog ng ibang bahagi ng malalaking bansa gaya ng Amerika at Europa. Ang higit na kapinsalaan ay sasaluhin ng mga mahihirap, na ang karamihan ay nasa mga tabing ilog, baybaying dagat at gilid ng mga kabundukan. Ito ngayon ang pinaghahandaan ng buong mundo.

Ayon sa isang Greenpeace advocate, ang climate change ay isang seryosyong banta sa lahat ng bagay na may buhay. Sa ngayon, itinuturing ng ilang eksperto sa kalikasan ang Pilipinas bilang “biodiversity disaster area.” Dahil ito sa mabilis na pagkawala ng mga species ng hayop at halaman. Matatandaang sa Bicol, nabura ang isang buong bayan at naiba ang landscape ng probinsiya dahil sa malalakas na mga bagyo na nagdulot ng pagguho ng lupa. Sa El Nido, Palawan naman natuklasan ang sinasabing coral bleaching sa lugar. Nariyan rin ang permanenteng pagbaha sa lugar ng Malabon. At ito ngang pinakahuli ay ang bagyong Ondoy na nagdala ng sangkaterbang ulan na halos katumbas na ng dapat ay sa isang buwan. Ang malala pa, naibuhos ang lahat ng tubig na ito sa loob lamang ng siyam na oras. Naging iisa ang sigaw ng mga tao, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan man o wala. Sa loob ng halos isang araw ang lahat ay naging biktima: nawala ang lahat ng kagamitang ipinundar at marami ang nangamatay. Naging mabagsik din ang pinsala ni Ondoy sa mga bansang Vietnam at Cambodia.

May mga aktibista na naglabas ng kanilang sama ng loob ukol sa isyung pangkalikasan tulad ng pagbabago ng panahon, revival ng Bataan Nuclear Power Plant, malawakang pagmimina, komersiyal na pagtotroso, higanteng mga dam at mga tambakan ng basura na naging elemento kung bakit labis na nararamdaman ang pagbabago ng klima na nagdudulot ng malalang sakuna. Kinondena rin ng mga grupong ito ang kawalan ng batas tungkol sa epektibong disaster management sa mga lokal na pamahalaan.

Climate change sa Romblon

Sa ating probinsya, lubos nang nararamdaman ang pagbabago ng panahon at marami na rin ang talagang naapektuhan lalo na ang mga estudyante at mga propesyunal. Nakakairita ang pagbabago-bago ng klima. Ang masama pa ay nagdudulot ito ng pagkakasakit ng karamihan dahil sa mainit na panahon tapos biglang bubuhos ang ulan at lalamig ulit ang panahon. Nagliban na sa pinapasukan, malaking pera pa ang nagastos para sa gamot.

Maaalalang nagkaroon ng pag-apaw ng tubig sa daan papuntang Canduyong at bandang Budiong dito sa Odiongan noong buwan ng Hunyo dahil sa bagyong Feria. Kasabay ng high tide at malakas na pag-ulan, umapaw ang tubig na galing sa ilog at dagat. Nagsalubong ang dalawa at ang resulta nga ay biglaang pagbaha. Nahirapang dumaan ang mga sasakyan sa hanggang tuhod na baha. Maraming bahay ang naapektuhan. Maging ang mga inuupahang tirahan ng mga estudyante na nag-aaral sa iba’t ibang kolehiyo ay apektado rin. Binaha ang IT Building. Ang palayan ng RSC ay nalubog din. Ganito rin ang nangyari sa bayan ng Looc. Dinaluhong ng rumaragasang baha ang kabayanan na naging dahilan ng pagkasira ng maraming ari-arian. Umabot naman sa kalsada ang mga alon sa bayan ng San Andres. Nasira ang ilang bahagi sea wall.

May magagawa pa ba tayo?

Sa pagtataya, lalamunin ng dagat ang mga mababang lugar sa tuloy-tuloy na pagbabago ng panahon. Sa katunayan kung magpapabaya si G. Henry Sy ay maaaring kakainin ng dagat ang kanyang Mall of Asia sa lungsod ng Pasay. Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang malawakang demolisyon sa mga tabing ilog sapagkat nais protektahan ng mga taga MMDA ang mga nakatira roon. Sa planong ito, palalawakin at palalalimin ang mga ilog upang maiwasan ang pagpasok ng tubig sa mga siyudad.

Ayon sa Philippine Information Agency, isang proyekto na pinondohan ng World Bank ang naglalyong matulungan ang mga lokal na komunidad na makabuo ng programa, makagawa ng angkop na mga batas at makapagpatupad ng cost-effective climate change adaptation measures. Ito ay ang "Climate Change: Community Adaptation Project" na iprinisinta ng University of the Philippines Marine Science Institute team sa lalawigan ng Sorsogon. Subalit dahil sa tatlong buwan lamang ang itinalagang panahon para sa first phase ng proyekto, dalawang barangay na muna ang ginawang pilot project sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ay gagayahin ng iba pang mga komunidad sa bansa.

Araw-araw na natutunaw ang mga yelo sa hilaga at timog polo ng mundo kaya tuloy-tuloy din ang pagtaas ng mga karagatan. Dahil sa mga bantang ito, kailangan daw tayuan ng halos anim na metrong pader ang mga tabing dagat at taniman ng mga matataas na uri ng bakawan ang mga dalampasigan upang may pansalang sa mga daluyong ng alon tuwing sasapit ang maladelubyong pag-apaw ng tubig dagat.

Sa mga ganitong mga pangyayari makabubuti na mayroon tayong sapat na kaalaman upang maging handa at makatulong sa pag-iingat ng ating kalikasan at pagliligtas sa ating mga buhay. Kinakailangan nating imulat ang ating makakalikasang kaisipan dahil tayo mismo ay direktang apektado.

Ngunit ang mga banta ng climate change ay nararamdaman na. Sa ating sariling pamamaraan, marahil ay makakatulong tayo upang makontrol at hindi na muling maragdagan pa ang greenhouse gases sa himpapawid lalong lalo na ang CO2. Simple, ngunit ang pagtatanim ng mga punongkahoy ay makapagbabawas ng kanilang mga bilang. Alam nating ginagamit ng mga halaman ang CO2 sa photosynthesis. Mas maraming punong itatanim, mas maraming CO2 ang mababawas sa himpapawid. Ang tamang pagtapon ng basura at paggamit muli ng ilang mga bagay ay magiging malaking tulong din. Maging ang paggamit ng mga alternative energy sources ay napapanahon din.

Walang malaking problema sa sama-sama at tulong-tulong na pagligtas sa Inang Kalikasan. Pagkakaisa at dispilina ang magiging panlaban natin sa mga nakakatakot na banta ng climate change.
Read more...

Sunday, August 23, 2009

A Quarter Before Six in Santa Maria


I took a break from the tiresome editing of graphics and images in my computer for the news magazine. Looking for anything that entertains and relaxes, I took from the rack a disc and ran it in my computer.

I hardly realized that it was our wedding’s until the names of the entourage appeared on the screen. I then savored the moment of reminiscing one of the happiest days of my life. I remembered how my wife played on my face to reduce my pimples. Cucumbers, mashed banana, facial cleansers she bought in Quiapo, and yes, toothpaste. Only to no avail. I laughed at the dark spots on my face which were vividly caught by the video cam, courtesy of the toothpaste that almost burned my cheeks.

I was able to watch our wedding video for several times already but it was only that time I sensed that the camera purposively rolled around the venue and captured the beautiful arrays of flowers in full bloom. The crack of the dawn made it even more picturesque and dramatic. It was quarter to six in the morning. The venue was at the magnificent facade and scenic garden of Santa Maria Municipal Hall. There again, I have been falling in love with this small yet beautiful town.

It was during the Fiesta of 1998 when I first stepped on this municipality known for several names: Concepcion, Imelda and Santa Maria. According to stories, the name Concepcion was a misnomer since there was an island municipality that bears such name also. Correspondence and mails missed the recipients. To fast track the change of name, the local officials opted the name ‘Imelda’ after the President’s powerful first lady. True to their expectations, the town got a new name and the first lady herself, came over to christen it. After the EDSA Revolution in 1986, and when President Corazon Aquino swore into office, traces of the Marcoses were gradually phased out. The town was named Santa Maria.

Santa Maria, previously part of San Agustin, is a small fifth class municipality composed of six barangays: Concepcion Sur, Concepcion Norte, San Isidro, Paroyhog, Santo Niño and Bonga. Concepcion Norte, the town proper is not as vast as other towns in the province. It just has three major streets running from north to south intersecting four paved roads running from east to west. Going around the town is not that tiring though.

Small as it may seem, the first thing that impressed me was their well-landscaped municipal garden in front of the majestic town hall comparable with Baguio’s Mansion. The building was painted white and embraced by the towering columns and thick metals securing the entire area. Flowers in full bloom were diligently taken care of and pruned by the utilities to maintain the pleasing ambience of the surrounding. The gate led to the doorstep of the municipal hall through an aisle about 50 meters long. The aisle cut the lawn into two. In each side were carefully landscaped box of flowers and pathways. On the far south of the town hall was an elevated rest house called the Palaisdaan. Its posts were elevated by about a meter. It was surrounded by concrete dikes which enabled it to hold water. Tilapia and other freshwater fishes were cultured there. Visitors usually took an afternoon nap in the bamboo-made resthouse.

In 1999, Santa Maria was named as the cleanest and greenest town in Romblon.

Perhaps, no other auditorium in the province would be more desirable than Santa Maria Sports Complex. It was the first covered court in Tablas and could accommodate thousands of spectators. It could also be used as venues for big celebrations like wedding, parties and etc. The comfort rooms there were one of the best.

People coming to Santa Maria were wondering why such a small town could ably support the erection of skyscrapers (a third storey building was already a big deal here). Add to that was the well-maintained public infrastructure like the barangay hall that was often construed as the town hall, the tourism building which probably was the biggest, and the Recreation Center.

What actually made the town more attractive were not the buildings but the variety of flowering plants blooming everywhere: in schools, children paradise, houses, river banks, etc.

Two years ago, the Hinugyawan Festival was born here. People dressed like natives, colored their bodies black and roamed around the town chanting, shouting and making noises, hence, hinugyawan. It was a crowd-drawer.

The town was also home to natural and unspoiled scenic spots among them were the Bil-at Cove, a hidden sea few meters north of the town proper; Madrona’s Beach Resort in Paroyhog; Ese-Ese steps in Talamban; imposing promontories in Naabang; and the Triple Peak where telecommunications relay towers stood.

For the past two years, there were several beautiful things I couldn’t forget about Santa Maria. More to buildings, landscape and yes, people, it was in Santa Maria where I experienced for the very first time the beauty of the sun rising from the sea. I never asked why our wedding was at dawn. A quarter before six.

Lifted from: http://www.sanrokan.com/news/2005/dec/feat1.htm
Read more...

Looc's Old Houses and Hermana Mayor


I have never gone (well, not yet) to Looc’s Marine Sanctuary nor felt the refreshing breeze of the famed Poka and Roda Beach Resorts in Kawit. I haven’t stayed long enough to rediscover the town’s beauty and explore the natural wonders hidden behind its age-old caves and rocks. I didn’t get the chance of bathing into its celebrated waterfalls and river nor I did have an opportunity to see with my very own eyes the treasures thriving in the bosom of its bay.

But Looc is a town I frequently pass by every time I pay visit to my in-laws who are staying in the northeastern coast of Tablas. Looc has a very clean and well-maintained public toilet, so every time the jeepney stopped over the place, I usually dismount to respond to nature’s call. The utility woman there was very accommodating, kind and friendly.

One time, my wife and I visited Looc. She was an alumnus of Looc National High School though she is from Santa Maria (Imelda). Her landlady back in high school, Lola Bading, died and we decided to stay there until the interment. There were several good stories told of the old woman - her selflessness and her devotion to church activities; her being a strict and organized landlady. My wife once told me that Lola Bading used to keep all the empty tin cans of sardines they had for meals. She placed this in a sack and kept outside the house. In 1993, when my wife graduated, Lola Bading gathered all the sacks of tin cans and muttered, “Nakakapa-valedictorian man gali ang sardinas.”

My eyes just got tired of looking around while my wife was busy chatting with friends she hadn’t seen for some time. The following morning, just before breakfast I asked her to join me stroll along the streets of Looc. It was also an opportune time for us to rebond as couples since our little princess was left to her lola.

My wife began to narrate the funny experiences she had on the familiar structures and streets we passed by. She began pointing here and there, her classmate’s house, their hide-out, etc… until I noticed something. Looc is a big town, the center of commerce in the south, they say. Not only the area is big but the houses that lined up are mostly of Hispanic style, bigger and more splendid than other old houses in Odiongan. These were pre-war structures and some date back during the Spanish regime. I was awed at the sight which I ignored for so long in my passing to this town. I got my cam and started taking pictures of these houses. An old woman told us that several houses are still standing in Sitio Barosbos which is a few walk east of the public plaza.

True to her words, Sitio Barosbos might have been once a village for the rich. The pictures above tell so much how fascinated I was to this little discovery. I saw several houses. I wasn’t aware of their styles and designs. All I know was these are landmarks of the town’s past.

Passing by my wife’s friend’s house, I couldn’t keep my excitement but ask for any fiesta souvenir program of Looc or any flyer. I was suddenly interested to read the town’s history. I did. But unlike other souvenir programs, I noticed that the one I’m reading was different. I got a hunch actually that Looc has something which other towns don’t have. Passionate to discover what it is, I asked my wife’s friend why such big attention is given to the town’s queen - a fully colored picture covering the entire page with a feature article on the other side plus the design of the gown she’ll wear on the coronation night. Queens here must have been very rich!

My wife laughed. She knew it. She told me I was precisely right. In Looc, they don’t conduct search for so and so. Becoming a queen depends on the bidding. The queen’s family will shoulder all the expenses during the coronation night and prepare a banquet for all the visitors. I overheard her friend saying, “ala Hermana Mayor.” I didn’t understand it though.

As we approached Lola Bading’s place, relatives had already gathered preparing for the necrological service. We prepared ourselves as well. While the procession began, I couldn’t keep out of my mind the possible significant link between Looc’s old houses and the ‘a la hermana mayor’ culture that is still in practice today.

Lifted from: http://www.sanrokan.com/news/2005/nov/feat1.htm Read more...

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008