IET, 20 bagong inhenyero
Ni John Mark Forcado
Umarangkada ang Institute of Engineering and Technology (IET) matapos makapagtala ng panibagong bilang ng mga inhenyero. Sa magkasunod na PRC Licensure Examination na isinagawa noong Abril at Mayo taong kasalukuyan, tatlo sa limang kumuha ng eksamin para sa Mechanical Engineering ang pinalad na makapasa. Nasa hanay ng mga inhenyerong ito sina Engr. Jomer Galiga Fano, Engr. Abraham Banuelos Demura, at Engr. Boyet Fallan Montoya. Umabot ng 60% ang passing rate na natamo ng Romblon State College kumpara sa 56.66% na sa national passing percentage.
Samantala sa hanay ng mga bagong gradweyt ng Civil Engineering na nagsipagtapos at kumuha ng Civil Engineering Examination ay pito (7) naman ang nakapasa at sa ngayon ay titulado na bilang mga lisensyadong Civil Engineer. Kabilang sa mga nakapasa sina Engr. Ramon D. Arguelles, Engr. Alphine A. Ariola, Engr. Enrico Dampil III, Engr. Shirley F. Fajarito, Engr. Paolo M. Morada, Engr. Noel M. Mortel at Engr. Juliet Musa.
Noong Nobyembre 2008 nakapagtala din ng anim pang mga bagong civil engineer ang RSC na sina Engr. Jerome A. Bernales, Engr. Adrian B. Fajanilan, Engr. John Mark F. Formilos, Engr. Hanzel F. Fruelda, Engr. Jerome S. Maestre at Engr. Edrian C. Reyes.
Ika-14 hanggang 15 ng Setyembre ng taong kasalukuyan ang PRC Manila ay nagsagawa ng Electrical Engineering Board Exam at sa muli ang instituto ay nagpakitang gilas sa pamamagitan ng mga tinaguriang mga bagong enhinyero ng taon na kinabibilangan nina Engr, Mark Joseph Cuasay Alegre, Engr. Jason Frogosa Fortunato, Engr. Riolisa Fesarillio Odiver, at Engr. Mark Joseph Fetalver Soledad.
Ito’y indikasyong hindi nagpapahuli ang Instituto ng Enhinyera at Teknolohiya sa mga licensure examination at tunay na nagsusumikap na makapagtala ng mga propesyunal na maipagmamalaki ng Romblon State College at ng probinsya.■
0 comments:
Post a Comment