Thursday, October 1, 2009

IET nagdaos ng seminar sa Research, Extension Capability

Ni Keycel F. Fejer at Edg Bea Ferrera

“Goal Setting, Research and Extension Capability Seminar-Writeshop”. Ito ang tema ng seminar na dinaluhan ng lahat ng miyembro ng mga guro at piling estudyante ng Institute of Engineering and Technology (IET) noong Hulyo 22-24 sa RSC Audio Visual Room (AVR).

Ang workshop seminar ay tugon sa pangangailangan ng mga estudyanteng nakaenrol sa pananaliksik mula sa departamentong CE, ME at EE.

Ipinaliwanag ni G. Ernesto Foja ang rationale at mechanics ng gawain sa unang araw ng seminar. Iprinesenta naman ni Engr. Amada S. Mayuga ang pormat ng ulat ukol sa OJT ng IET. Sina Dr. Alexander Formento, G. Eddie Fetalvero at G. Tomas Faminial ay parehong nagbahagi sa Institutional RDE Format Application ng Research at Extension. Si G. Faminial ang huling nagleksyon tungkol sa pagpapaunlad ng paksa, tema o titulo ng gagawing proyekto. Nagbigay din siya ng mga gabay sa pangkalahatang pagsusulat.
Sa ikalawang araw, si G. Lou Foja ang naatasang magsalita ukol sa pinansyal na pagpaplano at paghahanda ng badyet sa proyektong sasaliksikin. Dumalo rin ang iba’t ibang director, OIC, at kinatawan ng Kagawaran ng Agrikultura, DENR, DOST, DTI, DOLE para ipresenta at ibahagi ang mga maaaring saliksikin at pag-aralan sa kanilang departamento.

Samantala, si Dr. Merian Mani at Mrs. Rebecca Gervacio naman ay naglektyur ng Agenda Setting sa Research Development and Extension (RDE).

Nagtapos ang tatlong araw na seminar sa pagbibigay ng repleksyon at komentaryo sa bawat isa. Ang pangkalahatang tagapamahala ng seminar ay sina G. Ernesto Foja na siya ring Research and Extension Coordinator ng IET at Gng.Ana S. Fajanilan kaakibat nila ang kooperasyon ng mga guro at estudyante ng IET.■

0 comments:

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008