Pro-Estudyante, 'Tuebor Veritas'
EDITORYAL
Nagpapatuloy ang aming pakikibaka at pagpupunyagi para sa kalayaan at karapatan sa pamamahayag.
Sa mga panahong napupukaw ang aming kamalayan sa iba’t ibang eskandalo, pinagsisikapan naming ang bawat panulat ay magsisilbing bukal ng makatwiran at balanseng pagsusuri para sa kapakanan ng bawat mambabasang aming pinaglilingkuran. Ang bawat pahina ng aming pahayagan ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng ating kolehiyo at lipunan at nagsisilbing patnubay tungo sa daan ng kahit kaunting pagbabago.
Kasabay ng pagbukas ng taong pampaaralan ay ang paghampas sa ating lipunan ng napakaraming kontrobersyang hindi lamang nakakaapekto sa atin kundi sa ating bayan. Nahaharap tayo ngayon sa mga isyung higit pa sa video ni Hayden Kho at malala pa sa nakamamatay na A(H1N1). Nandiyan ang walang kasiguruhang eleksiyon sa 2010 dahil tila buhay pa ang Cha-Cha, na isinusulong walang iba kundi ng ating gobyerno. Nariyan din ang sunod-sunod at sari-saring kalamidad na nagpapahirap sa atin.
Sa atin namang sektor, nariyan ang pagtaas ng matrikula sa kabila ng pakiusap ng CHED sa mga SUC na huwag muna sana. Nariyan ang mga gawaing may paglabag sa ating kalayaan sa pamamahayag at iba pang sagradong karapatan.
Habang matibay na tinututulan ng patnugutan ang Cha-Cha, hindi namin isinasawalang bahala ang pagsusulong sa aming mga karapatan at kapakanan bilang mga estudyante at mamamahayag pangkampus. Kami sa patnugutan ay kumakatawan sa pangkalahatang boses ng mahigit 5,000 estudyante. At kung mayroon mang pagkakataong ang mga karapatang ito ay natatapakan o pinaglalaruan ng mga nasa kapangyarihan, nararapat lamang na magkaisa tayong lahat na tutulan ang mga paglabag na ito. Ang ating pahayagan ay narito upang ang ating boses ay mangibabaw at marinig nang sa ganoon ay maiparating natin sa mga kinauukulan ang ating mga saloobin at opinyon.
Katulad na lamang ngayon, mariing kinokondena ng aming publikasyon ang pag-aaway ng dalawa sa pinakamataas na administrador ng kolehiyong ito na umabot na sa pagsasampahan ng kaso. Ang kapakanan naming mga estudyante ang naapektuhan dito. Kami ay nalilito kung ano na ang nangyayari at bakit nangyayari. Imbis na magsiraan, sana ay magtulungan na lang para sa ikauunlad ng ating institusyon na magiging unirbersidad pa man din. Nalalagay sa alanganin ang magandang pangalan ng eskwelahan.
Sana ay maisip ng ating mga pinuno na kaya sila nasa posisyon ay upang magsilbing modelo at inspirasyon para sa aming mga estudyante. Subalit sa mga nangyayari, mas lalo lamang nilang pinatutunayan na kaduda duda ang kanilang kakayahang magbigay ng direksyon para sa atin. Mas marami pang problemang kinakaharap ang institusyong ito lalo’t higit sa pangangailangan naming mga estudyante. Sana ito muna ang bigyan ng pansin.
Hindi po bulag ang aming patnugutan upang ipagsawalang bahala ang ganitong mga problema, lalo’t kami na stakeholders din ng institusyong ito ay may karapatang makaalam at makialam.
1 comments:
MRC Casino & Gaming Map - DrmCMD
Realtime driving directions to MRC 속초 출장마사지 Casino 안성 출장샵 & Gaming, MRC, based 나주 출장샵 on live traffic 논산 출장마사지 updates and road conditions – from 여주 출장안마 the MRC.
Post a Comment