Showing posts with label Opinions. Show all posts
Showing posts with label Opinions. Show all posts

Friday, October 23, 2009

Romblon State YOUniversity

ni Jeofel M. Almoheda

We’re taking our final examination in Cost Accounting then when our CPA instructress shared a big news to us. She said that RSC is now a full-fledged RSU after PGMA signed into law the HB 5217 which is now Republic Act No. 9721.

Pinaghalong saya at kaba ang naramdaman ko nang mga oras na iyon dahil maliban sa sumasagot kami sa aming papel eh sobrang pamatay din ang eksamin sa Accounting. Idagdag pa ang masayang balita na Romblon State University na kami, tayo!


Natupad na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ng bawat Romblomanon na magkaroon ng unibersidad dito sa Marble Capital of the Philippines. Makikinita na rin ang magandang bukas na umaabang sa mga estudyanteng pumapasok sa unibersidad ng Heart of Archipelago.

Muli, isang masigabong palakpakan sa matiyaga’t masipag nating representante sa kamara, Cong. Eleandro Jesus Madrona, at sa masipag na pangulo ng ngayon ay RSU na, Dr. Jeter S. Sespeñe. Maging sa buong pwersa ng masang Romblomanon na patuloy na sumuporta para maging ganap na RSU ang RSC, maraming salamat at congratulations po!

Kung ating natatandaan, the quest for universityhood started early on 1992 when our Congressman Madrona on his first term filed HB 3265. This bill was dragged and approved both in House of Representatives (HR) and in Senate but unfortunately was not signed by then ousted sitting president.

Nang makabalik si Cong. Madrona sa Kamara after 2007 Election, one of his priorities is the conversion of RSC into RSU. He filed again HB 5217, ‘An Act Converting the Romblon State College in the Municipality of Odiongan, Province of Romblon into a State University to be known as Romblon State University and Appropriating Funds Therefor.’ This bill was approved in HR and has a counterpart in Senate which is the bill authored by Sen. Escudero, SB 3079.

And, just this 14th of October, Pres. Arroyo signed Republic Act No. 9721 that makes RSC a Romblon State University. This calls for a big celebration!
-oOo-

Ngayong branded as university students na tayo, what do you expect sa ating RSU? A top-quality education? Competent instructors, masters at doctors? Sufficient facilities? Updated books? We can expect also of additional ‘invented’ fees to be imposed to us but Tuition Fee Increase (TFI) must not happen here in RSU. Hindi dapat! Kapag tumaas ang matrikula, mahihirapan ang aming mga magulang sa pagpapaaral sa amin. Kung magkagayon (‘wag naman sana…) sisigabo ang out of school youth at tiyak ding ipaglalaban namin ang karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay karapatan ng bawat Pilipino at ito’y sinusuhayan ng ating saligang batas. Education is not a commodity; education is our constitutionally guaranteed rights!
-oOo-

Markahan natin ng pula ang ating kalendaryo sa petsang Oktubre 14, 2009 dahil ito ang araw ng pagbautismo sa RSC para maging RSU. Isa po itong malaking accomplishment ng bawat Romblomanong nakikibaka para sa ikaka-RSU ng RSC. Padayon RSU!

-oOo-

Romblon State University. Parang musika sa tainga kung pakikinggan at ulit-uliting bigkasin. Isip-isiping pumapasok ka sa isang university, sa univ[ersity] na nag-iisa sa Romblon. Anong swerte nating mga kabataang Romblomanon dahil tayo’y bahagi ng historikal na univ na ito!

Mataas na ang expectation ngayon sa RSU. Ang pagiging RSU ay hindi nangangahulugang dahil katunog nito ang MSU, CPU, FEU, DLSU at iba pang sikat na pamantasan ay kapantay narin nito ang antas ng edukasyon nila. Ang pagiging RSU ay hindi lamang nangangahulugan ng malaking pondo at university-marked na transcript. Tayo dapat ay hindi lang RSU sa papel! Ang RSU, bagkus, ay nangangahulugang makakaasa na tayo ng mataas na antas ng emansipasyon at liberalisasyon, masasapatan na ang ilan pa nating pangangailangang akademiko at makakapag-produce na rin ito ng mas marami at mas kompetibong gradweyt. Hindi magtatagal at sisikat ang ating ipinagmamalaking univ hindi lamang sa Timog Katagalugan kundi’y sa buong archipelago lagpas hanggang saan mang sulok ng mundo!
-oOo-
Tiyak, ang RSU ay malinaw na katuparan ng maraming pangarap ng mga Romblomanon. Ngunit, huwag nating kaliligtaan ang akademikong tulong sa atin ng Romblon State College at ang pagpupursige rin noon ng RSC’s Father, Jun Ganan, para maging State College sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 393.

RSU is far different from RSC but RSC has already helped and transformed numerous Romblomanon into brighter sides. Ngayon, may kailangang patunayan ang RSU. Kailangan nitong lagpasan ang naabot ng RSC. We have high hopes for that.

Salamat sa Ama ng RSC, Jun Ganan, at salamat sa Ama ng RSU, Cong. Budoy Madrona, para sa kanilang di-matatawarang pagpupursige para sa estudyanteng Romblomanon. Salamat po!
-oOo-

RSU is our new pride. RSU is our new gem here in Romblon. You are very fortunate to be part of it. The quest of our univ is the pursuit of all. You and your YOUniversity must have a win-win system for excellence! Padayon RSU! Padayon Romblomanon!
Read more...

Monday, October 5, 2009

Pangulong GMA: Abusadong Totoo?

“I did not become President to be popular. To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President. When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.” Ang pahayag na ito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (PGMA) ay bahagi ng kanyang SONA ’09.

Ang sabi niya, ‘I did not become President to be popular’, ang sabi ko naman, ‘She most likely become President to be moneyed’.

Napakayaman ngayon ng ating PGMA batay sa kanyang Statement of Assets, liabilities and Net worth (SALN). Kung noong 2001 bago ang kanyang pagka-upo bilang presidente, ang net worth niya ay P66.8 Milyon, nitong taong 2008, elepante sa laki ang kanyang net worth na umabot sa P143.54 Milyon. Wow naman! Napakayaman na pala talaga ng ating PGMA! Paano kaya lumago ng ganoon ang kanyang yaman?

Magtataka ka pa ba sa sobra-sobrang kayamanan ni PGMA eh sa dinami-dami ba namang pang-aabuso at iskam ang naugnay sa pangulo. Naaalala nyo pa ba ang ‘Hello Garci’ na naging binhi ng muling paghirang kay Arroyo bilang pangulo? Natuldukan na ba ang ‘ZTE-NBN Deal’?, ang ‘Euro Generals’, at ang ‘Fertilizer Scam’?. Naku, mapapa-iling ka nalang sa mga katarantaduhan sa gobyerno.

Noong panahon ni ex-convict Erap, nakasuhan siya ng plunder at napalayas sa Malacañang dahil sa P5 Bilyong napingas niyang pondo sa gobyerno. Samantalang itong si PGMA, na may kabuuang halagang nakurakot na P20.9 Bilyon sa 16 na pinakamalalaking kaso ng korupsyon mula 2001 hanggang 2008 ayon sa IBON Foundation ay hindi pa rin nasisipa at naisusuka ng Malacañang.

Ayon pa rin sa SALN ng pangulo, ang kanyang bahay at lupa nitong 2008 ay anim (6). Samantalang ang totoo umanong bilang ng bahay at lupa na pagmamay-ari ni PGMA na hindi nakasaad sa SALN ay ayon kay Sec. Raul Gonzales ay labing-isa (11). Ang lupit talaga!

Base pa nga sa mga pagtatala, ang halagang nadaragdag sa yaman ni PGMA kada taon na hindi malaman kung saan nanggaling ay umaabot sa P10 Milyon. OMG! Sobra na ang pang-aabuso ni Gloria!

Sa administrasyon ni Cory Aquino mula 1989 hanggang 1992 ay 4.8% lamang ang inilaki ng kanyang kayamanan. Ang paglago naman sa datung at ari-arian ni Fidel Ramos mula 1992 hanggang 1998 ay 32.2%. Nang si Erap Estrada naman ang maupo (sa magical chair na nagpapayaman?), 7.2% ang itinaas ng kanyang yaman. Pero, nang si PGMA na ang nasa Malacañang, ito ang sobra-sobra at kamuntik ng umabot sa langit ang taas ng porsyento, umabot sa 114% ang rate ng pagyabong ng kanyang yaman. Nakakahilo po. Nakakapanindig balahibo.

Nasaan ngayon ang serbisyong totoo para sa Pilipino?

‘To work, to lead, to protect and preserve our country, our people, that is why I became President.’ Mukhang ang linyang yan sa kanyang SONA 09 ay taliwas sa mga datos ng kanyang ari-arian. Talaga nga bang ang masang Pilipino ang pinakarason kung bakit ka naging pangulo PGMA? O para makalambat ng maraming kwarta mula sa dugo at pawis ng pilipinong nagbabayad ng buwis? Nagpayaman ka lang naman yata eh…

Aniya pa ni PGMA sa kanyang SONA 09, ‘When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.’ Napakaganda ng ganitong bisyon at titiyakin nating mga Pilipino na mangyayari ito hindi muna ngayon siyempre dahil kailangan munang lumayas ni PGMA sa Malacañang.
Sa pagsasabing ‘I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.’ ay nagpapakitang kahit paano’y may pangarap ang pangulo para sa atin. Kaya lang, hindi niya natupad at malabong matupad hanggat hindi siya napapalitan dahil pumangit lalo ang imahe ng Pilipinas nang si PGMA ang umeksena.

Pang-38 ang ranking ng Pilipinas sa mga pinakatiwaling bansa sa mundo noong 2008 ayon sa Transparency Corruption Perception Index. Pang-anim (6th) naman tayo sa pinakatiwaling bansa sa Asya ayon sa 2009 Political and Economic Risk Consultancy Corruption Survey. Batay sa mga record na ito na ipupukol sa rehimeng Arroyo, dapat pa bang pagkatiwalaan si PGMA?

Ayon sa May 2009 Pulse Asia Survey, 46% ng mga Pilipino ang walang tiwala sa administrasyong Arroyo. Ouch. Ouch. Oust!

Nasaan na ang serbisyong totoo? Puro pang-aabuso lang naman yata ang ginawa mo.

Kapwa ko kabataan, imulat natin ang ating mga mata sa dungis ng katotohanang ito. Kailangan natin ng pagbabago. Kabataan, tayo ang pagbabago! Malapit na ang Eleksyon 2010, magparehistro! Yanigin ang 2010! Matuto tayo sa itinuro sa atin ng karanasan. Maging pihikan tayo ngayon sa pagboto.

Subukan ding magbasa ng ilan ko pang artikulo sa: www.jeofel-almoheda.blogspot.com
Read more...

Thursday, October 1, 2009

RIGHT OF REPLY BILL: SAGWIL SA PAGYABONG NG MALAYANG PAMAMAHAYAG

Ni Alyssa Marie Fernandez

Right of Reply Bill, ano nga ba ito?

Hunyo 2004, naghain si Senador Aquilino Pimentel ng isang Senate Bill (SB) 1178 habang ginaganap ang ikalabintatlong Kongeso. Dahil sa kakulangan ng oras, ang nasabing panukalang batas kung saan, nakapasa na sa ikatlong pagbasa ay hindi nagtagumpay na ma-aprubahan. Sa pag-usad ng nasabing batas, ito ay pormal na naaprubahan noong Hunyo 2008 at ito ay napalitan bilang bagong SB 2150 mula SB 1178.
Ipinasa ng Senado sa ikatlong pagbasa ang SB 2150 noong Hulyo 29, 2009 na mas kilala sa tawag na “ An Act Granting The Right of Reply and Providing Penalties for Violation Thereof” na ipinanukala nina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Senador Chiz Escudero at Senador Aquilino Pimentel.

Sa kabilang banda, si Rep. Monico Puentevella, Representante ng Lungsod ng Bacolod ay nagsumite ng House Bill (HB) 1001 kasama si Rep. Juan Edgardo Angara mula sa probinsiya ng Aurora ay naghain din ng HB 162. Bilang kapalit ng dalawang nasabing batas, ang HB 3306 ay dininig sa Mababang Kapulungan kung saan ipinanukala ni Rep. Bienvenido Abante, Rep. Juan Edgardo Angara at Rep. Puntevella.

Bagaman ang SB 2150 at HB 3306 ay inihain sa magkaibang kapulungan, nananatiling magkatugma ang kanilang titulo at gabuhok ang kanilang pagkakaiba.

“Probably, by giving the persons being criticized a chance to reply and get their reply published, according to the structures of this bill, then hopefully we can reduce the incidence of ‘resort-to-the-gun’ as a way to even up things with the media practitioners.”

Bakit kailangang tuligsain ang Right of Reply Bill?

Ang nasabing panukalang-batas ay walang katuturan. Ito rin ay lantarang pagsuway sa itinadhana ng konstitusyon.

Kahit noon pa man, may mga paraan nang ginagawa ang medya upang bigyan ng espasyo sa pahayagan o radyo ang mga taong naaagrabyado na ipahatid ang kanilang panig. Halimbawa nito ang Letter to Editor at ang paglalathala ng patas na lathalain at balita.

Ang nasabing panukalang batas ay hindi na kinakailangan dahil mayroon nang mga batas na nagkakanlong upang ipaglaban ang sariling karapatan: ang libelong batas (na patuloy na ipinapaglaban ng mga kabataan dahil sa matinding diskriminasyon) at ang paninirang-puri.

Isang batas na dapat supilin!

Kasuklam-suklam ito sa mata ng ating konstitusyon. Isa itong insulto sa isang demokratikong bansa kapag ito’y naging ganap na batas? Ang pag-apruba rito ay kapantay ng pagputol sa tulay ng komunikasyon sa masa sapagkat mapapaiksi ang pagsagawa sa tunay na layunin at tungkulin ng isang dyarista--na maging isang bantay, magsilbing mata, tainga at bibig ng sambayanan, na walang takot at pag-aalilangang harapin ang pamamahayag kahit na sa likod nito ay may nakaambang kaparusahan sa hindi paglathala ng tugon ng isang nakakapaminsalang tao.

Pagkatapos ng lahat, sino ang may gustong isakdal o mabilanggo man lang at pagbayarin ng higit na halaga, na mas malaki pa sa isang sahod ng simpleng mamamahayag o higit pa sa kabuuang benta ng pahayagan? Ang masama nito, ang batas na ito ay maaaring manghikayat sa kaisipan ng bawat mamamahayag: kung bakit kailangan pang magsulat ng laban sa isang maimpluwensyang indibidwal o kumpanya na maaari ka pang kasuhan, eh, maaari ka namang magsulat ng pabor sa kanila, mababayaran ka pa ng salapi!

Biktima at walang lusot din dito ang mga pahayagang pangkampus. Bakit kako? Dahil kasama sa probisyon ng Right of Reply Bill ang paglalathala sa loob ng 3 araw ng sagot o tugon ng taong naagrabyado umano. Papaano ito masusunod gaya halimbawa ng The Harrow samantalang isang beses sa isang semestre lang naman ang labas ng bawat dyaryo? Kailan man ay wala sa kasaysayan ng pahayagang pangkampus ang mag-release ng dyaryo sa bawat araw. Kaya naman mariing tinututulan ng mga nasa mainstream media at maging ng alternative media ang ganitong opresibong hakbang. Bilang isang Pilipino, alam nating mayroong sistema ang ating bansa, mula sa panukalang batas na ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga pulitiko at prominenteng indibwal ng daan upang maisagawa ng ‘legal’ ang pananakot sa mga mamamahayag.

Sa isang bansang demokratiko kung saan makikita ang isang dating presidente na nakulong ngunit walang naganap na pag-amin mula sa mga paratang sa kanya at maging isang presidente na humingi ng madamdaming paumanhin sa telebisyon dahil sa kontrobersyal na eleksyon noong nakaraang 2004 - ang Right of Reply Bill ay isang panuklang batas na isang napakalaking pagkakamali.

Ang Right of Reply Bill ay hayagang paglapastangan sa ating Saligang Batas. Nang idambana ang ating Saligang Batas, nakasaad dito na: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press…” Minsang ang panukalang batas ay maaprubahan bilang isang ganap na batas, maaaring bigyang-tanggi ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at bigyan ng mga pang-aabusong impormasyon kung saan, maaaring maging pundasyon sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na maging daan sa pag-aksyon na mapanatili ang karapatan at kaayusan ng buong sambayanan.

Mula sa batas na ito, ang tanging-karapatan lamang ng mga mamamahayag ay tiyakin kung sino ang ilalathala o balitang paninira sapagkat napipilitan ang mga medya na ilathala o isahimpapawid ang tugon ng naaaping tao na wala namang kahirapan na patunayan na siya ay apektado sa balita.

Tunay ngang gagawin nila ang lahat mabusalan lang ang medya sa paglalabas ng mga katiwalian at pang-aabuso. Ito ay isang sagwil sa pagyabong ng malayang pamamahayag sa bansa.

Kailanman, hindi tayo matatawag na malayang mamamahayag kung may mga nanlilisik na batas na tila nananakot sa atin. Hindi matatawag na malayang pamamahayag ang sitwasyong puno ng takot, opresyon at banta. ■
Read more...

Re-Evaluation

Muling Pagsusuri sa:
Unibersidad sa Bayan ng Marmol

Ni Rocky Lee F. Moscoso

Sana bago ako magtapos sa kolehiyong ito makita ko man lang sa aking diploma na unibersidad na ang RSC.

Simula’t sapul, ang pagkakaroon ng unibersidad sa isang bayan ay masasabing isang nagkatotoong mithiin para sa mga mamamayan nito dahil na rin sa napakaraming benipisyong makukuha dito kaya naman binibigyan ko ng isang malaking aprub ang konbersyon ng ating institusyon patungo sa pagiging unibersidad, yon bang hindi minamadali. Ngunit ang saludo ng mga mag aaral ay para lamang sa taong magbibigay ng tunay na pagbabagong pang unibersidad at take note dapat po ay nararamdaman.

NGUNIT, DATAPWAT, SUBALIT...
Teka teka muna mga dong!

Sa isang survey ng The Harrow sa ating mga estudyante at ayon na rin sa aming pagtatanong tanong at pangangalap ng kalidad na impormasyon, aming na pag-alaman na walumpung porsiyento (80%) o mayorya ng mga estudyante ang nagsasabing hindi pa handa ang RSC para maging isang unibersidad. (“Sino si Sir Jet?,” ang sabi ng karamihang first year na di siya kilala.)

Bakit kamo? Ang karamihan sa sagot ng mga estudyante sa aming pahayagan ay naglalaro lamang sa kakulangan ng mga pasilidad, at kung meron man bulok naman o hindi na nagagamit, ang mababang kalidad ng edukasyon (mayorya sa mga estudyante ang nagsabing di sila kuntento sa kalidad ng edukasyon sa RSC), ang maputik na mga daan, ang mga bumabahang silid-aralan, ang mababahong CR at marami pang iba o kung ating susumahin ang lahat ng mga ito, wala pa tayo sa kalingkingan ng pagiging isang unibersidad.

Totoo at klaro ang bawat punto na hindi pa handa ang institusyong ito para maging isang unibersidad at kung ikukumpara sa isang tunay na unibersidad, OMG, kung sakali man saan ka makakakita ng unibersidad na may mga problemang katulad ng nabanggit sa itaas. At hindi po ba nadagdagan ang subsidy ng RSC para sa taong 2009 na halos umabot ng 94 milyon ngunit di naman maramdaman ng mga estudyante ang pagbabago. Saan po ba ito napupunta? Sana pinaayos nalang ang mga sirang bintana, ang mababahong CR, ang mga kisame, ang mga silid aralan sa VoAg, ang mga mapuputik na daan, bumili ng updated books sa library, at marami pang puwedeng gawin. Kaya naman po ang ating mga mag aaral ay kumakatok sa mabubuting kalooban ng ating mga kinuukulan upang bigyang pansin ang mga ito. Gumising na kayo! Subukan mo at baka sumaludo pa kami sayo!

SA KABILANG BANDA

May ilan pa rin namang nagsabi ng YES sa pagiging unibersidad ng RSC at kakatwa ang sagot ng iilan.

“… para naman sikat hindi lang sa Romblon pati na rin sa buong Philippines”.

“…Oo! Para gumanda na at makilala na ang ating paaralan”.

“…Pabor yon para sa mga graduating students na maghahanap ng trabaho lalo na sa mga kompanya na naghahanap ng mga employee na nag graduate sa credited university”.

“…Para naman maimprove ang kalidad ng pagtuturo at maiparamdam nyo naman sa aming mga estudyante na masarap at masayang mag aral ng kolehiyo”.

“…Masarap pumasok sa isang university school. I-improve lang yong mga classrooms pwede na”!

Kung susuriing mabuti ang mga ito makikita nating ang pagiging unibersidad ng institusyong ito ay mangyayari lamang kung magagawa ang ilang pagbabago. Katulad na lamang ng huling pahayag na dapat i-improve lang yong mga classrooms ay pwede nang maging university, di ba’t isa itong pagbabago na dapat pag tuunang pansin ng ating kinauukulan.

Sikat? Oo nga’t sisikat ang RSC pag ito’y naging unibersidad, ngunit baga sa sobrang pagmamadali ng iba na gustong gusto na at atat na atat na sa konbersyon ng RSC to RSU ay nakakaligtaan ang ibang mas mahalagang detalye (tulad ng kapakanan ng mga estudyante o students welfare, hindi po ba sir at ma’am? (Wala ngang libreng gamot sa clinic masungit pa yong mga iba dun). Marami pang bagay sa paaralan na mas dapat pang pagtuunan ng pansin kesa sa mga papeles na dapat ayusin pa-ra maging RSU ang RSC. Mas importan-te pa po ba ang mga papel na yan kesa sa kapakanan ng mga estudyanteng hindi makapag-aral ng mabuti dahil sa ulan, init, putik at sira-sirang mga pasilidad? Sana kahit sa maliit na paraan lamang ay iparamdam nyo ang inyong presensya bagama’t naiintindihan naman ng mga mag aaral ang inyong kalagayan kung di nyo man masolusyunan ang kanilang mga hinaing dahil lahat naman po tayo ay nakakaranas ng krisis pinansyal.

NGUNIT ANG MAHALAGA
ay importante)

Dapat magkaisa ang iba’t ibang sektor na bubuo at magtutulong-tulong sa konbersyon ng RSC patungo sa pagiging isang unibersidad. (estudyante, guro, administrador, empleyado, mga magulang, lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya mapribado man o pampubliko).

Kung pagkakaisa lang naman ang ating pag-uusapan, parang nakakasuka na ang walang sawang “crab mentality” na kaugalian nating mga Pinoy. Lalo na ngayong nasa tulay ng pagbabago ang ating institusyon, ay dalawa pa sa pinakamatataas na pinuno nito ang nag-aaway na tila mga talangkang naghihilahan pababa. Ang nakakainis pa sa away na ito ay isinapubliko pa ito na siyang lalong nagpalala sa gulo. Ayan tuloy parehong lumalabas ang kanilang mga baho, kaya naman apektado na rin ang mga mag aaral kung sino ba talaga ang lider na dapat nilang paniwalaan. Imbis na magkaisa ang dalawang ito ay sila pa mismo ang nag aaway at nagpapahirap sa katuparan ng ating mithiin para maging isang unibersidad. Hay hay hay basta nga naman kapangyarihan ang pinag uusapan ay parang pag ibig din, “susuungin ang lahat makuha ka lamang!” Masakit man po ang katotohanan pero hindi naman bulag at bingi ang aming patnugutan upang ‘di ito mapuna lalo na’t para sa kapakanan ng kapwa naming mag aaral.

Ilan lamang ito sa mga maiinit na isyung palagi naming susubaybayan bilang mga mata at bibig ng mga estudyante. Hindi namin minamaliit ang potensyal ng institusyong ito pagkat marami na rin itong naiambag na mga propesyunal sa iba’t ibang larangan ng karunungan, kahit na maraming kakulangan ang makikita sa kolehiyong malapit na kunong maging unibersidad. Paano na lamang kung maganda ang mga pasilidad, ang kalidad ng edukasyon, at ang mga kagamitan sa pagtuturo at pagsasaliksik? Siguradong magiging karapat-dapat na tayong tawaging isang unibersidad.

Bato bato sa langit ang mag react ay tinamaan! Kung marami man kaming napupuna sa kolehiyong ito, ‘yon ay dahil nakikita ito ng aming mga matang hindi bulag sa katotohanan at bawat tintang lumalabas sa aming pluma ay ang tanging instrumentong bumubuo sa aming mga pangarap at adhikain para sa ikauunlad ng institusyong ito at hindi lamang para sa mga kritisismo.■
Read more...

Pro-Estudyante, 'Tuebor Veritas'

EDITORYAL

Nagpapatuloy ang aming pakikibaka at pagpupunyagi para sa kalayaan at karapatan sa pamamahayag.

Sa mga panahong napupukaw ang aming kamalayan sa iba’t ibang eskandalo, pinagsisikapan naming ang bawat panulat ay magsisilbing bukal ng makatwiran at balanseng pagsusuri para sa kapakanan ng bawat mambabasang aming pinaglilingkuran. Ang bawat pahina ng aming pahayagan ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng ating kolehiyo at lipunan at nagsisilbing patnubay tungo sa daan ng kahit kaunting pagbabago.



Kasabay ng pagbukas ng taong pampaaralan ay ang paghampas sa ating lipunan ng napakaraming kontrobersyang hindi lamang nakakaapekto sa atin kundi sa ating bayan. Nahaharap tayo ngayon sa mga isyung higit pa sa video ni Hayden Kho at malala pa sa nakamamatay na A(H1N1). Nandiyan ang walang kasiguruhang eleksiyon sa 2010 dahil tila buhay pa ang Cha-Cha, na isinusulong walang iba kundi ng ating gobyerno. Nariyan din ang sunod-sunod at sari-saring kalamidad na nagpapahirap sa atin.

Sa atin namang sektor, nariyan ang pagtaas ng matrikula sa kabila ng pakiusap ng CHED sa mga SUC na huwag muna sana. Nariyan ang mga gawaing may paglabag sa ating kalayaan sa pamamahayag at iba pang sagradong karapatan.

Habang matibay na tinututulan ng patnugutan ang Cha-Cha, hindi namin isinasawalang bahala ang pagsusulong sa aming mga karapatan at kapakanan bilang mga estudyante at mamamahayag pangkampus. Kami sa patnugutan ay kumakatawan sa pangkalahatang boses ng mahigit 5,000 estudyante. At kung mayroon mang pagkakataong ang mga karapatang ito ay natatapakan o pinaglalaruan ng mga nasa kapangyarihan, nararapat lamang na magkaisa tayong lahat na tutulan ang mga paglabag na ito. Ang ating pahayagan ay narito upang ang ating boses ay mangibabaw at marinig nang sa ganoon ay maiparating natin sa mga kinauukulan ang ating mga saloobin at opinyon.

Katulad na lamang ngayon, mariing kinokondena ng aming publikasyon ang pag-aaway ng dalawa sa pinakamataas na administrador ng kolehiyong ito na umabot na sa pagsasampahan ng kaso. Ang kapakanan naming mga estudyante ang naapektuhan dito. Kami ay nalilito kung ano na ang nangyayari at bakit nangyayari. Imbis na magsiraan, sana ay magtulungan na lang para sa ikauunlad ng ating institusyon na magiging unirbersidad pa man din. Nalalagay sa alanganin ang magandang pangalan ng eskwelahan.

Sana ay maisip ng ating mga pinuno na kaya sila nasa posisyon ay upang magsilbing modelo at inspirasyon para sa aming mga estudyante. Subalit sa mga nangyayari, mas lalo lamang nilang pinatutunayan na kaduda duda ang kanilang kakayahang magbigay ng direksyon para sa atin. Mas marami pang problemang kinakaharap ang institusyong ito lalo’t higit sa pangangailangan naming mga estudyante. Sana ito muna ang bigyan ng pansin.

Hindi po bulag ang aming patnugutan upang ipagsawalang bahala ang ganitong mga problema, lalo’t kami na stakeholders din ng institusyong ito ay may karapatang makaalam at makialam.
Read more...

Wednesday, August 26, 2009

Ay, sa RSC ka lang?

Ni Jeofel M. Almoheda

Huwag daw nating ila-LANG ang Romblon State College (RSC). Kung hindi ila-lang, eh ano lang? Dapat ba ay bonggang-bongga ang pang-uring gamitin upang ilarawan ang RSC?

Ano ba ang nakakaimpluwensiya sa isipan ng RSCians at bakit marami sa kanila ay minamaliit at ibinabababa ang antas ng kolehiyo sa pagsasabing ‘sa RSC lang’? Ganoon ba kababa ang ebalwasyon ng mga estudyante at gradweyt sa kanilang kolehiyong napasukan at kahit parti sila nito, laging kinakabit ang LANG?

Nagsagawa ng surbey ang publikasyong ito at maging ako’y personal na nagtanung-tanong sa kapwa ko estudyante upang masagot ang mga tanong sa taas. Hindi nakakagulat ang sagot ng mga RSCian, hindi nakapagtataka. Ika nga, inaasahan na. Sana magsilbi itong pang-alis tapaludo sa mata ng mga kinauukulan.

May isang estudyanteng prangkahang sumagot ng ganito: ‘Ang RSC ay paaralan ng mga pobre’. Sa interpretasyon ko’y parang sinasabi niyang walang choice ang mga Romblomanon kundi pagtiyagan ang RSC. Kaya sa mga estudyanteng may klase sa VoAg, habaan pa ng konti ang pisi ng pasensiya kung bumabaha diyan, kung parang magigiba na ang klasrum niyo at kung lagi kayong basa tuwing umuulan. Pagpasensiyahan niyo nalang. Mapapansin din siguro yan ng Admin... Anong malay natin, may tinatasa na pala silang pondo para diyan.

Iisa rin ang lamentasyon ng mga RSCian sa nalalapit na konbersiyon ng RSC, iyon ay kulang na kulang tayo sa pasilidad at kagamitan. Kaya sa mga taga-BSBio Dept., subukan niyong magpapampam sa Admin baka sakaling pansinin at masupply-an ng laboratory instruments ang inyong Bio Lab. Kapalan niyo nalang ang mukha niyo kasi nga naman nakakahiya mag-request sa kanila para magkaroon ng mga kinakailangang chemicals diyan sa Chem. Lab. niyo. Sa mga Accounting students, 1997, 2000 at 2002 edition ang latest na Accounting books sa Library natin kaya sa madaling salita obsolete na iyon. Bumili nalang tayo sa Conanan Bookstore dahil sigurado na sa susunod na sem, may 2010 edition na. Napag-uusapan na rin lang ang tungkol sa mga libro, sana ay mabigyan ng sapat na pondo ang pagbibili ng mga updated na libro! Saan ba napupunta ang binabayad naming Library fee? Sa Rsun at Rtext ba? dahil laging may isyu ng dyaryo pero walang updated na mga libro. Tabi-tabi po, pansinin niyo naman ang Library. Kapos na kapos po talaga ang mga libro, obsolete pa! Akala ko pa naman Distributing Outlet ang RSC ng Rex Bookstore eh bakit salat sa kinakailangang libro ang bahay-AKLATAN natin? Parang hindi na aklatan, parang istakan na ng mga lumang libro. Hmmmpp!

Doon sa mga RSCiang reklamo ng reklamo dahil napipilitang magbaon ng uniform kapag may P.E. class, konting tiis nalang, anong malay natin maisipan nilang bumili ng locker. Ingat sa mga instructor na magpapa-project ng speaker, player at aklat. Siguraduhin niyong hindi kayo naiisahan.
Nasaan na nga pala ang Freedom wall? Amoy represyon at inhibisyon na kaming mga estudyante dahil tila binulsa niyo na ang Freedom Wall. Wala na bang ibang maibulsa?

Bongga na raw ang RSC ngayon. May school bus na, malapit nang maging katunog ng MSU, CPU, DLSU at CEU. Kasi nga diba magiging RSU na tayo? Accredited na rin halos lahat ng kurso rito. Kaya nga lang, nakakahiya ang napabalitang instructor na nanghuhuthot ng kwarta sa mga estudyante. Akala niya siguro’y lumuluwa ng pera mga tatay natin. Buti nalang at naisuka na siya ng RSC. At sa mga instructor, propesor at doctor diyan na tatamad-tamad, uminom po kayo ng Extra Joss para lumakas-lakas at ganahan po kayo sa pagtuturo. Iyong iba diyan, pinapabasa lang sa amin ang photocopies. Hindi nila alam, obvious na tamad silang magturo at nagpapainit lang ng puwet sa kanilang opisina. Ikaw nalang mag-initiate ma’am at sir para lumayas dito. Huwag mo nang hintaying sipain ka ng iskol, mas nakakhiya ‘yon.

Resonable naman sila nang sabihing ‘wag ila-LANG ang RSC’. Tingnan niyo naman, may DWRSC at Water Purifying Station na tayo. Kung nawala man sa ere ang DWRSC, eh baka may technical problem lang. Alam niyo naman, kasinlaki ng kubeta ang Radio Station natin. Buti walang nagkakamaling umihi o tumae don. May photocopy shop na rin dito sa kapitbahay ng TH opis at may RSC Agpudlos Campus na rin tayo. Malawak ang lupain ng RSC doon. Malawak din yata ang nabiling lupa ni sir doon?

Congratulations nga pala kay sir Jet dahil reaapointed siya. Siguradong may mamamatay sa inggit nito. Baka atakihin sa puso ang mga ambisyoso diyang maging presidente. Congratulations din para sa RSC dahil garantisado nang RSU na tayo!

Sa kabilang banda, may rason din naman ang iba kapagka nila-lang ang RSC. Ayaw lang kasi nilang marinig ang LANG dahil nga ka-rhyme nito ang kulang-kulang.

Pero improving ang RSC ngayon ah! Kita niyo naman ang streamer ng mga CPA Board passers na laging mas mataas ang passing rate kumpara sa national rate. Ang mga research breakthrough ng RSC. Ang mga top notchers mula sa IET at maraming Teachers Board passers ng IPSTED. Ito ay malinaw na indikasyon na sa kabila ng tumutulong kisame, parang magigibang klasrum, bahang gate at obsolete na mga libro ay masikap ang mga faculty and staff upang tugunan ang pangangailang pang-edukasyon naming mga RSCian. Na sa likod ng tatamad-tamad at bayarang instructor ay may mga matitiyaga’t matatalinong RSCian na nagpupursigeng makaranas ng natatanging liberalisasyon. Na sa kabila ng isyu tungkol sa kwestiyunableng karakter, nariyan at patuloy na nakikibaka ang RSC para maging ganap na RSU. Siyanawa.

Tayo ay bahagi na ng kolehiyong ito. Anuman ang maging imahe nito, apektado tayo. Kung hanggang ngayon ay nananatili ang istigma ng RSC sex scandal, isipin niyo nalang na may second hand bus tayo! Kung naiinis kayo sa mga guwardiya, isipin niyo nalang na kamukha nila si Jun Pyo! Basta huwag nating kalimutang mahalin ang institusyong ito. Atin ito.

Sa huli, ang lahat ay nakadepende kung paano tayo huhubugin ng kolehiyong ito. Kung paano titimo sa ating isip ang mga nakakadismaya at nakakatawang baga-bagay dito sa kampus. Kung napamahal ito sa atin at kung natamo natin ang de-kalibreng edukasyon, isang mayabang na ‘Sa RSU kami’ ang isasagot natin sa kanilang nagsasabi ng ‘Ay, sa RSC ka lang?’.

Read more...

Sunday, August 23, 2009

Should Campus Paper Go On-Line?

By Nica Margarette Tomines, Roehl Niño BautistaPhilippine Daily Inquirer
http://showbizandstyle.inquirer.net/you/2bu/view/20081017-167009/Should-campus-papers-go-online

MANILA, Philippines—Campus papers, ranging from colored broadsheets to monochrome tabloids, are a distinguishing mark of an educational institution. The medium is supported by the Campus Journalism Act of 1991, which states that the State should undertake various programs and projects aimed at improving the journalistic skills of students and promoting responsible and free journalism.

The role of campus newspapers as the voice of the students still holds value to this day. “Our role [as a student publication] is to form and inform the community on various issues in the community, as well as balance what the student public needs and wants to know,” Anna Bueno, news editor of Guidon, the official student publication of Ateneo de Manila University, says.

“Campus newspapers should always bear in mind that their primary constituency is the university. Hence, they should focus on covering news and issues relevant to such constituency,” says Atty. JP Colet, former editor in chief of the Philippine Collegian.

Connection

However, many students do not feel emotionally connected to their campus newspapers, according to a study by the Department of Communication Research in UP Diliman on campus newspapers. Students only read their campus papers whenever it is convenient for them to do so.

“I am not that interested in reading our campus papers kasi parang hindi naman siya nakakaapekto sa buhay ko [because the campus paper doesn’t seem to affect my life],” Shaddai Solidum, a fifth year UP Music major, says.

The study also noted that there seems to be a problem with the interaction and feedback aspect of the campus papers. Students are not motivated to comment on the articles using the existing mechanisms for feedback. The study suggests the problem can lie in the content of the campus papers in general.

The same study found out that students preferred reading the feature and entertainment sections of the paper more than the other sections.

“I would say that is natural. However, that does not mean that other sections do not have their purpose in a newspaper. It does not mean students don’t read news,” says Bueno.
Anthony Valenzuela, editor in chief of Adamson Chronicles, thinks that reality should serve as a challenge to “introduce, write and execute the feature and entertainment sections in such a way that it would bring student readers to relate with the other sections significantly.”

Web versions

Today’s student population is tech-savvy. They are more familiar with reading from a computer monitor than a printed page. In fact, based on the same study, 6 out of 10 students spend their time online, while only 1 out of 10 spend their time reading newspapers.

With students as the primary audience of campus papers, editors have to find ways to reach the majority who are “always online.” As mainstream newspapers turn to the power of the Web, the on-campus counterparts should follow suit.

Some campus papers already have their own websites, like the Lasallian of the De La Salle University and the Varsitarian of the University of Santo Tomas.

“Online campus papers na lang para di sayang sa papel. Students are bound to go online, anyway, so it is more convenient,” Micha Reyes, a senior says.

Online versions or even a website of the campus newspapers, can be a great venue to reach out to more students, while also saving on paper.

“The Collegian has a circulation of 15,000, and 1,000 goes to other UP campus. The 15,000 is not enough to reach the 20,000-plus UP Diliman students,” says Larissa Mae Suarez, editor in chief of Philippine Collegian, the official publication of University of the Philippines Diliman.

Accessibility

However, there are those who still believe the old-school print version of campus newspapers is much better than any digital counterpart, for reasons of accessibility and readability of format.
“I would still prefer the old and handy paper style over an online version, because one doesn’t need to have a computer to access [the campus paper],” says senior Iñigo Rudio.

Kim Carbon, a sophomore, says, she also prefers the print format of campus papers, because “hindi siya [campus paper] masakit sa mata pag binabasa.”

And what about the capability of campus paper editors to maintain an online version?

“I think it would be a challenge for student newspapers to actually maintain an online site that updates itself, let’s say, everyday. Since we are student journalists—with papers and oral exams and other activities to do—I think that would take more effort and more time from us,” says Bueno.

People behind campus newspapers do their best to be of service to their school, and will continue to go through stressful days and sleepless nights to bring the most relevant news to students.
Whether they’re packed in stacks of paper or posted on the Web, articles that matter cry to be read, and it’s up to us to heed the call.
Read more...

Yellow Puppies Blogger Template | Template Design | Elque 2008